Chapter 9: Meet his Family

69 4 0
                                    

9:Meet his Family


"Hoy Khaira!"

Hala lagot! Anong gagawin ko?

Humarap ako sa kaklase ko na tumawag sakin.Dapat Hindi ko nalang yun ginawa.

"Bakit zero kami kanina sa math ha? Mali ata yung ibinigay mo sa aming sagot ehh."

Mali kasi yung sagot na ibinigay ko sa kanila.Gusto kasi nilang kumopya sakin kaya ibinigay ko yung sagot,mali nga lang.

"Hindi ahh.Tama man yun.Bakit yung sagot ko tama naman lahat.M-mali lang pagkaka check nun."

Nakakaramadam na ako ng takot.Gosh!

"Pinaglololoko mo ba kami ha? Ehh Mali nga kami diba? Paano naman magiging zero yun kung mga tamang sagot ang ibinigay mo samin."

"Niloloko lang tayo ng panget na yan Jake ehh.Ibigay mo na yung dapat nyang matanggap dahil sa ginawa nya satin." Gatong ng isa nyang kasama na si Anton.

"Gusto mo ba talagang masaktan Khaira?Kasi kung ayaw mo dapat yung tamang sagot ang ibinigay mo samin."

Tinulak nya ako dahilan para matumba ako sa lupa.Ang tanga tanga ko talaga.Parang ako pa yung naghahanap ng gulo ehh.Dapat ibinigay ko nalang yung gusto nila.Napa trouble pa tuloy ako.

"Gusto mo bang mas palalain ko pa yang itsura mo?"

"Wala na yan ilalala pa Jake dahil malala na talaga.Hahahahaha!"

"Hahahaha! Ang panget kasi ehh."

Parang maiiyak na ako.Ang sakit ng sinasabi nila.Don't cry Khaira.Wag kang magpapadala sa emosyon mo.Sanay ka na dyan diba?

Pinagtatawanan na ako ng Ibang estudyante dito.Sanay na ako sa ganito diba? Ehh bakit parang nasasaktan ako sa mga sinasabi nila.Dapat wala na lang sakin yung mga pang aasar nila.Ganito ba talaga kapag matagal mo nang pinipigilang maiyak sa harapan nila?

Sasampalin na sana ako ni Jake pero biglang may nagsalita sa likuran ko....

"Hurt her or I'll kill you.You have two choices.Stay away from her or taste your own blood?" Agad naman silang umalis.

Tss! Takot pala silang matikman yung sarili nilang dugo ehh.

"Let's go.May pupuntahan tayo." Bakit parang bigla sya naging seryoso? Ano kayang problema nito? Ang higpit ng pagkakahawak nya sakin.

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon