Chapter 24: Believe it or not?

61 4 0
                                    

24:Believe it or not?


Harap sa kaliwa.Harap sa kanan.Tihaya.Dapa.Pusaaaaa! Anong gagawin ko? Hindi ako makatulog.Kanina ko pa pinipikit ang mata ko pero hindi pa rin ako dalawin ng antok.Kanina pa ginugulo ang utak ng mga sinabi ni Zurich.Totoo ba talaga yun? Tinatanong ko sarili ko tapos hindi ko naman masagot.Para lang akong tanga.

"Arghhh!"

Nahilamos ko ang palad ko sa aking mukha.Feel ko may eyebag na ako.Ilang oras na ba akong nag iisip? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog.Anong oras na kaya.

Kinuha ko ang phone ko na nakalagay sa may bedside table para tingnan ang oras.Kailan ba ako dadalawin ng antok? Wahhhh! Gusto ko nang matulog pero paano ko gagawin yun kung hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Zurich.

Nang makita ko kung anong oras na, naibagsak ko nalang ang phone sa gilid ko.

5:00 o'clock na ng umaga.

Wahhhh! Grabe.Simula kahapon ko pa pala iniisip yung mga sinabi ni Zurich.Hindi na tuloy ako nakakain kagabi dahil sa sobrang pag iisip.Hindi ko akalaing na sasabihin nya yun sakin ng harapan.Matapos sabihin ni Zurich yung mga salitang yun, Hindi ko na nakalimutan yung mga salitang binitawan nya.Mabuti na rin yun na umalis na sya agad dahil hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa mga narinig ko sa kanya.

Hindi ko na rin nagawang ihatid pa sa labas ng bahay si Zurich dahil nahihiya ako at hindi ko alam kung bakit.Naiilang rin ako sa mga tinging ginagawad nya sakin.I don't know what to do.Bakit sya nagkagusto sa tulad ko?

Masaya sa feeling pero nag aalangan talaga akong maniwala sa sinabi nya.Mahirap paniwalaan na ang tulad nya ay nagkagusto sa tulad ko.Sino ba namang maniniwala na may gusto sakin si Zurich ehh gwapo sya at sikat.Samantalang ako ay panget at hindi nakaka-attract.

Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na may magkakagusto sa tulad ko.Laging nakatatak sa isip ko na walang magkakagusto sa tulad kong panget kaya nakakagulat talaga na malamang may nagkagusto sakin at ang matindi pa dun, yung tulad pa ni Zurich na kahit sino ay tututol talaga at hindi maniniwala kapag nalaman nilang may gusto sya sakin lalo na ng mga babae sa school.Sigurado ako na lalong gugulo ang buhay ko kapag nangyari yun.

Dapat siguro layuan ko nalang si Zurich.Baka sa pamamagitan nun mawala yung mararamdaman nya sakin at para na rin nakaiwas sa gulo na pwedeng mangyari lalo na kapag  nalaman ni Reina ito.She likes Zurich.

Wahhhh! Paano ko pala sya lalayuan kung magkaklase kami? Mabuti sana kung magkaiba kami ng section edi madali lang syang layuan.Paano kung nagbibiro lang pala sya? Edi nag mukha akong tanga at assuming dahil naniwala naman ako agad.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at iniwasang mag isip ng kung ano ano.Baka sakaling makatulog pa ako.Buti nalang at sabado ngayon at walang pasok.Mapupuyat talaga ako pag nagkataon.

Hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Zurich para makatulog.Sana makalimutan ko na yun.Ayoko nang isipin pa yun mamaya pag gising ko.Hayst! Naramdaman ko nalang na unti unti nang lumalim ang pagpikit ko hanggang sa nakatulog na ako.Sana wala na to mamaya.

Zero's POV

"What the hell!" saad ko.

Anong nangyari sa kanya? Bakit ba ang lapad ng mga ngiti nya at parang kilig na kilig sa iniisip? Kanina pa sya lutang at hindi nakikinig sa mga kinukwento ko.Ano bang nangyari matapos nyang ihatid si Khaira kahapon? May dapat ba akong malaman?

7:30 na ng umaga pero hanggang ngayon ngiting panalo pa rin si Zurich.Simula pag gising nya kanina ay nakangiti na sya at good mood.Okay sakin yun dahil mabait sya sakin pag gising nya kanina.Pag tuwing gigising kasi sya nakakunot na agad ang noo kaya nakakapanibago ngayon.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now