Chapter 16: Beast

62 3 0
                                    

16:Beast

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Espe.

Nagpapasalamat ako ngayon at nandito na sya.Matagal ko rin syang hindi nakita.Namatay daw kasi ang lola nya kaya sya absent ng mahigit isang linggo.

"Sa canteen, kakain muna tayo.Hintayin nalang natin si Zurich na dumating." sagot ko.

Kailangan ko nang maibalik tong jacket sa kanya.Paano ba naman kasi, binalot balot pa sakin yung jacket nya kahapon nung maihatid nya ako sa bahay.Kesyo daw makikita ang legs ko ng mga taong nasa labas pag papasok ako sa loob.Psh! Anong problema nya? Wala namang masamang mag short ang babae.Ang weird nya talaga kahapon.

Hindi sya pumasok kaninang umaga kaya hindi ko agad naibalik sa kanya tong jacket.Bakit kaya? Sana naisipan nyang pumasok na ngayon.

Napalingon ako kay Espe ng sikuhin nya ako.Malawak na ngiti ang ang naka plastar sa mukha nya ngayon.Parang ewan to sya ehh.

"Ikaw ahh! Ikwento mo naman sakin yung moments nyo ni Zurich.Matagal rin akong nawala kaya hindi ako updated." nakangiti nyang saad.

Parang inaasar nya ako sa paraan ng pananalita nya.Ano namang ikukwento ko? Yung mga hindi magandang nangyari sa amin ni Zurich? Wala atang mabuting nangyari samin ehh, puro lang sigaw ang eksena namin nun.

"Wala akong dapat ikwento."

"Suss! Alam ko namang nagkakamabutihan na kayo ni Zurich ehh.Nakabingwit ka ng gwapo, girl." saad nya habang tinutusok tusok ako sa tagiliran ko.

"Ano ba, Espe? Walang ganun.Ni hindi ko nga alam kung mag kaibigan ba kami nun, nagkakamabutihan pa kaya?"

Tinulak nya ako ng mahina at tinusok na naman ako sa tagiliran ko.

"Ang swerte mo kaya.Alam mo kung bakit?" tanong nya.

Nangunot ang noo ko."Bakit?"

Huminto sya sa paglalakad at humarap sakin. Anong gusto nyang sabihin?

"Kasi ikaw lang yung babae na naging malapit sa kanya ng ganyan dito sa school.Napapansin mo naman siguro yun, diba?"

Tumango ako.Puro mga lalaki ang kasama nya dati at wala akong babae na nakikitang kasama nya.Siguro dito sa school wala pero pagdating sa labas, marami na yan syang nakakasamang babae.Playboy kaya yun!

"Ohh diba! Tapos, isang tulad mo pa ang napalapit sa kanya.Hindi ka maganda pero mapalapit ka sa kanya.No offense, girl ha? Alam naman natin na magaganda ang gusto nun.Lait pangkaibigan yun ha, wag kang magalit."

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon