Chapter 29: Date (Part 2)

49 4 0
                                    

29:Date(Part 2)







Mga ilang Segundo pa ang lumipas bago ko napagdesisyunang magsalita.

"Uhmmm Zu—–

"Let's have a date."

"Huh?" takang tanong ko.

Date? Hindi nya ba alam na may klase pa kami? Tsaka, bakit kami magde-date?

"I said, let's have a date." pag uulit nya.

Seryoso na ba talaga syang may gusto sya sakin? Hindi ako deserving sa pagmamahal nya.Alam kong hindi ako magugustuhan ng mga magulang nya kapag naging kami.

Sa mundong to, beautiful faces always matter kesa sa mabubuti ang kalooban.Sa panahon kung saan magandang mukha ang basehan.Sigurado akong hindi ako magugustuhan ng daddy nya o ng mommy nya.

"Seryoso ka na ba talaga? Wala na bang ibabago yan? Pigilan mo nalang yan hangga't hindi pa lumalalim masyado ang nararamdaman mo sakin.Hindi ako ang karapat dapat sayo, hindi tayo bagay.Maraming mas magaganda at mas sexy'ng babae dyan kesa sakin na bagay na bagay sayo.Pigilan mo yan, wag ako Zurich." saad ko habang nakatingin sa kanya.

Hindi ako nababagay sa tulad nya.Alam kong sa panahong to, ang mga ganitong itsura ay hindi magugustuhan at hindi nababagay sa mga tulad ni Zurich.Hindi dapat ako ang mahalin nya.Mas maraming babae ang deserving sa pagmamahal nya at hindi ako yun.

"Saan na naman ba mapupunta ang usapang to, Khaira? I like yo— no, I love you, Khaira.Bakit sinasabi mong hindi tayo bagay? Bakit ba pilit mo akong tinutulak sa iba? You're the girl that I love Khaira."

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo.Kapag naging tayo, marami ang hahadlang at mandidiri sayo.Hindi ako magugustuhan ng mga magulang mo.Iniisip ko lang ang sasabihin ng mga tao oras na magkaroon tayo ng relasyon, Zurich. Ayokong mahusgahan pa lalo at ayokong mahusgahan ka rin dahil lang sa ako ang nagustuhan mo.Dahil sa akin ka pa nagkagusto." nararamdaman ko nang nangingilid ang luha sa mga mata ko kaya pilit kong pinipigilan ang maluha.

He's In love with the Ugly GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant