Chapter 52: Forget Her

49 3 0
                                    

52:Forget Her


Zero's POV

Nandito kami ngayon sa labas ng bar na lagi naming pinupuntahan, hinihintay kasi namin si Zurich na dumating because he said na pupunta sya dito.

Ilang minuto pa kami naghintay hanggang sa dumating na nga sya at basang basa sya ng ulan.Mukhang naligo ito ng ulan dahil sa itsura nya ngayon.

Nagulat kaming apat ng biglang sinipa at pinagsusuntok ni Zurich ang pader nitong bar.Ano na naman bang nangyari at nagkaganito na naman to?

"Hey, dude! What happened? Bakit ka na naman nagkakaganyan?" yan din sana ang itatanong ko pero si Dentrix na ang unang nagsalita.

"Sigurado akong si Khaira na naman ang dahilan nyan." saad ni Aurie na mukhang naiinis na dahil sa nangyayari kay Zurich.

Sa aming apat nina Dentrix at Kiel, si Aurie ang pinakamabilis na magalit lalo na kung tungkol sa babae ang pinag uusapan.Mukhang magkakagulo na naman between them.

"Umalis na sya! Nilayo nila sakin si Khaira." sambit ni Zurich na nakatalikod ngayon sa amin habang nakasandal ang noo sa pader.

"Umalis? Saan naman sila nagpunta?" tanong ko.

"Sa ibang bansa.I tried to come near her pero pinigilan ako ni Tita at Tito.They don't want me to talk to her.Ayaw na talaga nila akong palapitin kay Khaira kahit sandali man lang.F*ck it!" nagmura sya kasabay ng pagsuntok na naman sa pader.

"Alam mo, pre! Sundin mo nalang ang gusto ng mommy ni Khaira.Magulang sila at alam mo na rin naman diba kung bakit ayaw ka na nilang lumapit sa kanya? Kaya sundin mo nalang yun." si Kiel na seryosong seryoso sa sinabi.

"I just want to talk to her.Sandali lang naman ang hinihingi ko bago sila umalis but f*ck! Wala akong nagawa kundi ang tignan sila habang papalayo!" sigaw nya.Kung ano ano na ang ginagawa nya dahil pumapadyak na rin sya at sinisipa ang pader.

"Dude, wala ka nang magaga—–" ako yan pero biglang naputol ng sumigaw si Aurie.

"Kung ako sayo, kalimutan mo nalang si Khaira.Siguro natupad na yung sinabi nya sayo noon.She want you to forget everything about you and her dahil ganon din ang ginagawa nya at ngayong natupad yun hayaan mo nalang sya pre.Atleast ngayon hindi na sya nasasaktan dahil sa ginawa mo because she can't remember you, anymore.Hindi nya na maalala ang tungkol sa inyo kaya dapat mo na rin syang kalimutan, tol! Siguro hindi kayo para sa isa't isa kaya nangyari to sa inyo!" sigaw ni Aurie.Nagulat ako dahil sa sinabi nya.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now