Chapter 20: Danger (Part 3)

56 3 0
                                    

20:Danger (Part 3)


"Hoy! Anong gagawin mo?" tanong ko ka kay Zurich ng akma syang lalabas ng kotse pagkatapos nyang kalikutin ang phone nya na parang may tinext sya or what.

"We don't have a choice but to get out of this car and face them." sagot nya.

Putcha! Ang dami kaya nila.Hindi namin sila kakayanin.

"Nahihibang ka na ba? Hindi mo sila kakayanin, ang dami nila." nag aalalang saad ko.

Baka kung anong mangyari sa kanya kapag hinarap nya yung mga lalaki na yun.

"Don't worry, Khaira.Kayang kaya yan ni Zurich." singit ni Zero.

Mahimbing parin na natutulog si Espe sa tabi ni Zero at hanggang ngayon hindi parin kami nakakauwi dahil hinarangan kami nung mga lalaki na naghihintay samin ngayon sa labas.

Kanina pa gusto ni Zurich na lumabas pero paulit ulit ko syang pinipigilan dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari.Hindi nya kakayanin yun mag isa.

"Wait..." pigil ko kay Zurich nang buksan nya ang pinto.

Tumingin sya sakin.Gusto ko ring lumabas.

"...sasama ako." dugtong ko.

Nangunot agad ang noo nya.Ehh gusto kong sumama.Sasamahan ko sya sa labas.Nakita ko kanina na may mga dalang batuta yung ibang lalaki at tubo naman sa iba.

"No! You'll stay here and don't you dare get out of this car." saad nya sabay lingon kay Zero."...let's go."

Binuksan nya na ang pinto saka lumabas.Ganon din naman si Zero kaya naiwan kaming dalawa dito ni Espe.

Lumapit na silang dalawa sa mga lalaki.Hindi ko sila marinig dahil medyo malayo ang kotse sa kinaroroonan nila.

Gusto kong lumabas dahil nakita ko dun ang lalaking sinuntok ni Zurich kanina sa bar.Yung lalaking nambastos kay Espe.Sigurado akong gaganti sya kay Zurich dahil sa ginawa sa kanya.

Mukha pa namang hindi basta basta nagpapatalo yung lalaki na yun dahil sa itsura nya palang kanina sa bar, mukhang may binabalak na at ito na nga yun.

Bakit kasi nangialam pa si Zurich ehh.Ang hilig nya talaga akong pakealaman kahit hindi naman dapat nya yun ginagawa.

Lumingon muna ako kay Espe bago nagdesisyong buksan ang pinto na nasa side ko.Bumaba ako ng kotse saka dahan dahang naglakad papunta kila Zurich.

"Ibigay nyo lang sakin yung babae, magiging okay ang lahat." rinig kong saad nung lalaking na suntok kanina.

Sigurado akong si espe ang tinutukoy nya.Ano bang kailangan nya kay Espe? Marami namang babae dyan ehh bakit hindi lang sya maghanap ng iba?

"Ano bang kailangan mo sa kanya?" tanong ni Zero.

Pumwesto ako sa may likod ni Zurich.Naramdaman nya ata ang presensya ko dahil agad syang lumingon sakin.

"What the f*ck are you doing here? I said, stay inside the car."

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now