Chapter 21: Meet his Father

60 3 0
                                    

21:Meet his Father

Esperanza Heredero's POV

Ouch! Ang sakit parin talaga ng ulo ko.Makakalimutan mo nga panandalian ang problema mo kapag nagpakalasing ka pero may idudulot ding sakit sa ulo kapag bumalik ka na sa normal.Doble pa!

"Ito oh gamot, uminom ka muna." inabot sakin ng monggoloyd ang gamot.

Isa pa to! Dagdag sakit din ng ulo.Sino ba sya? Ehh hindi ko naman sya kilala.If I'm not mistaken, Zero ata ang pangalan nya dahil yun ang tawag sa kanya ni Khaira.

Inabot ko sa kanya yung gamot.Binigyan nya rin ako ng tubig na nasa plastic bottle kaya inabot ko na rin.Kahit papano may natulong din sya, di tulad kanina na puro pangungulit.

Nandito kasi kami ngayon sa hospital at hindi ko alam kung bakit.Napalingon ako kay Khaira na tahimik na tinititigan si Zurich.

Mahigit tatlong oras na rin daw simula nung dinala dito sa hospital si Zurich at wala akong kaalam alam sa nangyayari. Ayoko namang tanungin tong monggoloyd na katabi ko ngayon.Baka masobrahan sa pagdaldal ehh.

"Tara kain muna tayo.Gutom na ako ehh." saad nya.

Lumingon ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Anong pakealam ko? Edi kumain ka dun kung gusto mo." mataray kong saad.

"Grabe ka naman.Niyayaya ka na nga ehh." kamot ulo nyang sabi.

Naawa naman ako bigla.Kakain ba ako? Tutal nakakaramdam na rin ako ng gutom.

"Sige! Libre mo walang aangal."

Napanganga naman sya dahil sa sinabi ko.Nangyaya sya ehh edi sya ang gumastos.

"...may reklamo ka?" tanong ko.

Umiling naman agad sya.

"Ha? Wala ahh! Sabi ko nga ililibre kita ehh.Hindi mo ba narinig?"

Suss! Tumayo ako at lumapit kay Khaira para yayain syang kumain.Kanina pa kasi sya nakabantay kay Zurich at hinihintay nyang magising ito.

Nakapagpaalam ba sya kay tita? Mag uumaga na at baka nag aalala na ang mommy nya.

"Khai, kain muna tayo.Tara?" yaya ko nang makalapit ako sa kanya.

Mukhang wala parin syang tulog dahil sa pamumugto ng mata nya dala na rin ng pag iyak.Pag gising ko kasi kanina, umiiyak sya.

Umiling sya."Maya nalang ako.Kayo nalang muna, babantayan ko si Zurich hanggang sa magising sya." matamlay nyang sagot.

Naaawa ako sa kanya ngayon.Mahal nya na siguro si Zurich dahil sa pag aalalang pinapakita nya.Hindi naman siguro sya mag aalala kung hindi mahalaga si Zurich para sa kanya at kung wala syang nararamdaman dito.

"Kumain ka muna.Kailangan mo na rin sigurong magpahinga at matulog, tingnan mo yang mata mo ohh." saad ko sabay turo sa mata nyang namamaga na.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now