Chapter 48: Stay Away

48 2 0
                                    

48:Stay Away



Third Person's POV

Week passed.Everyone is waiting for her to wake up.Hindi sila nawawalan ng pag asa na isang araw ay gigising na sya galing sa pagkakatulog.

Sa ilang linggong tulog sya, wala silang ibang ginagawa kundi ang bantayan at kwentuhan si Khaira.Naniniwala sila na kahit tulog ang isang pasyente, maririnig ka parin nito kung ano ang sinasabi mo at maaaring maging dahilan yun upang agad na magising si Khaira.

They did everything to wake her up.Kinukuwentuhan araw araw na parang isang bata na pinapatulog lang.Kinakantahan at kung ano ano pa.They always praying na isang araw ay gising na sya at nakangiting nakatingin sa kanila.

Matapos ang sigawang nangyari nakaraang linggo between sa mommy ni Khaira at kay Zurich.Silang tatlo nalang ang laging nagbabantay sa dalaga.

Hindi na hinayaan pa ni Thyra na makalapit sa anak nya ang binata dahil sa ginawa nito.Lagi itong pumupunta sa hospital but they kept on stopping him to come near her dahil hindi nya na hahayaan pa ni Thyra na lumapit ito sa anak nya.

Tahimik lang na nakaupo sa isang gilid si Espe habang nakatingin sa kaibigan.Tanging tunog lang ng machine ang maririnig sa paligid.Lagi nya itong kinakausap na parang isang gising na tao.Lahat ng nangyayari sa buhay nya ay ikinukwento nya pati narin ang dati nyang buhay.

Hindi sya nawala sa tabi ng dalaga at lagi nyang binabantayan ito.Hindi nya rin maiwasan isipin parin ang nangyari sa kaibigan kahit mag isang buwan na ang nakalipas simula nung mangyari to sa kanya.

Mag iisang buwan nang tulog si Khaira at kahit isang beses hindi pa ito nagpapakita ng senyales na magigising na sya.

Paulit ulit ring bumabalik sa isip nya ang pinagsamahan nila ni Khaira at wala syang ibang magawa kundi ang ikwento ito hanggang sa maluha at maiyak na naman sya.

Pinunasan nya ang luha sa pisngi nang bumukas ang pinto ng ICU at pumasok ang mommy ni Khaira.

"Ako na po dyan, Tita." kinuha nya ang dala dala nitong pagkain at inilagay sa mini table na nasa gilid.

"Good afternoon, sweetie! Miss ka na ni mommy." saad ni Thyra at hinalikan ang anak sa noo na nakaratay sa kama.

Ngumiti naman si Esperanza dahil sa eksenang nakikita nya.She suddenly remember her mommy na nasa ibang bansa at may kinakasama ng iba.She miss having a mother na mag aalaga sa kanya tulad ng ginagawa ni Thyra sa anak nya.

"...we're waiting for you to wake up, baby girl! We missed you so much!" Thyra said then she look to the girl beside her daughter."...let's eat na muna, ija."

She nodded saka tumayo at lumapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkaing binili ni Thyra.

Sa bahay naman ng mga Juanillo ay abalang naghahanda ang mga ito para sa kasal na magaganap.Sobrang tuwa ang nararamdaman ni Kim dahil next next week na gaganapin ang kasal nila ni Zurich.

Kausap nya ngayon ang designer nila sa wedding at pumipili narin sya ng gown na susuotin nya but Zurich is nowhere to be found again.He's missing in action pero hinayaan lang nila ito na pumunta sa kung saan dahil magaganap narin naman ang kasal na inihanda nila para sa dalawa.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now