Chapter 10: Transferee

63 4 0
                                    

10:Transferee



Hayst! Ang tagal naman ng teacher namin dumating.Kanina pa ako naiinip.Paano ba naman kasi ang aga ko ring pumasok ehh.Bakit ko ba naisipang pumasok ng maaga? Hindi ko naman nakita si Zurich ehh.Ewan ko ba.Kaya maaga akong pumasok dahil na excite akong makita yung bangagan na yun.Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin.Paulit ulit nalang.

Pinatong ko muna ang ulo ko sa braso ko na nakapatong sa lamesa.Inaantok tuloy ako.Gusto ko munang matulog.Nauna pa kasi ako sa alarm clock kanina ehh.Nagtaka pa nga sila mommy kung bakit ang aga kong magising.Hayst! Absent na naman kaya yung bangagan na yun? Hindi ko sya nakita kanina ehh.Sana makita ko sya mamayang lunch sa canteen.

"Good morning class." Napabangon ako bigla ng marinig ko ang bose ng terror naming adviser.Nakakaboring yung subject na tinuturo nya ehh.Parang lalo pa akong aantukin ngayon.

"Good morning ma'am Jes."

"Okay sit down."

Parang wala akong ganang mag aral ngayon.Feeling ko ang hina hina ko.Lupaypay at tinatamad akong kumilos.

"Meron kayong bagong classmate.Be kind to him and be approachable dahil transferee sya at wala syang kakilala dito.Understand?"

"Yes ma'am."

Sino naman kaya yun? Second grading na ehh tapos may nag transfer pa dito.Sana naman mabait sya at hindi na makadagdag sa mga taong nambubully sakin.Baka kasi ibully nya rin ako.Ayoko na.

May pumasok na lalaking matangkad,payat at gwapong lalaki.Nagtitilian na tuloy dito yung mga babae.Oo,gwapo sya pero mas gwapo pa rin si Zurich.Ayst! Bakit bigla bigla ko nalang naiisip yung lalaki na yun?

"Mr. Please introduce yourself."

Humarap naman samin ng maayos yung lalaki at ngumiti.Ang ganda din ng ngiti nya.Bakit parang nakikita ko sa kanya si Zurich? Maganda rin kasi ang ngiti ni Zurich kaya hindi ko nakakalimutan.Wahhhh! Ayoko na ng ganito.Palagi nya nalang ginugulo ang isip ko.Bakit ba hindi ko sya makalimutan kahit isang araw lang? O kahit sandali lang.Yung hindi ko sya maiisip lalo na kapag may klase.Nadi-distract ako ehh.Hindi ako makapag concentrate sa pinag aaralan namin dahil bigla bigla nalang syang papasok sa isip ko tapos ngayon nadistract na naman ako.Wahhhh! Ayoko na talaga huhu! Lubayan mo ako Zurich please...

"Hi! I'm Xhylo Hernandez." Yun lang? Ganon lang sya magpakilala? Hindi man lang nya sabihin kung saang school sya galing,saan sya nakatira at kung ilang taon na sya.

Pagkatapos nyang magpakilala,umalis na agad sya sa harapan at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.Wala naman kasi akong katabi ehh at yun nalang ang natitirang upuan na bakante.Buti nga may tumabi pa sakin.Wala kasing taong gusto akong makatabi dito sa room.Para akong taong may galis na ayaw nilang lapitan.Psh! Ang lakas namang mambully.

Nagsimula nang magklase si ma'am habang ako naman ay walang ganang makinig.Ang boring talaga.Parang gusto ko nalang umuwi...Lumingon ako sa katabi ko dahil kinalabit nya ako.Nginitian nya ako saka inilahad ang kamay nya sakin.

"I'm Xhylo."

Tinanggap ko naman ang kamay nya.Alangan naman tanggihan ko,hindi naman bagay sakin.Tsaka! Mukhang mabait naman sya.

"Uhmm Khaira."

"Nice to meet you Khaira."

Tumango nalang ako.Wala akong ganang makipag usap ngayon lalo na't kalimitan lang ako magsalita dito dahil wala namang kumakausap sakin maliban nalang kapag recitation.Syempre ayaw nga nila sakin dahil ang panget ko daw.Ganon ka big deal ng itsura ko sa kanila.

He's In love with the Ugly GirlWhere stories live. Discover now