Chapter 18: Danger (Part 1)

62 3 0
                                    

18:Danger(Part 1)


"Oh my gosh!"

"Look magkasama na naman sila."

"Why he's with the ugly girl na naman?"

"Buhat buhat nya si Khaira.Why he's like that?"

"Baka ginayuma ng panget na yan si Zurich.We know naman na hindi mga ganyang itsura ang tipo nya.Gayuma is the possible reason why he's like that to Khaira."

Mga bulungan agad ng mga estudyante ang bumungad samin nang makapasok kami sa school.Nakayuko lang ako habang naglalakad kami.Nahihiya ako dahil nakikita nilang buhat buhat ako ni Zurich.Samantalang parang wala namang pakealam sa mga nagbubulungan tong lalaking nagbubuhat sakin.Parang hindi sya naaapektuhan sa mga naririnig namin.

"Zurich ibaba mo na ako.Pinagbubulungan na tayo." bulong ko habang nakayuko.

"I don't f*cking care."

Nilingon ko ang paligid.Akala ko walang estudyante ang nasa labas dahil may klase na pero akala ko lang pala.Lalo pa atang dumami ang tao dahil lumalabas ang iba mula sa kanilang classroom para pagtinginan kami.Ganon na ba kabig deal para sa kanila ang ganito? Chismis agad kapag nakita kaming magkasama.

"Ibaba mo na ako, Nakakahiya!"

"I don't f*cking care."

Wahhh! Ano bang pwede kong gawin? Yun lang ang sinagot nya at mukhang wala talaga syang pakealam sa mga taong pinagtitinginan kami at pinagbubulungan.Kung pwede lang mawala bigla kaso hindi ko naman magawa.Wala naman akong kapangyarihan para mawala nalang bigla.

"Bakit ka ba nahihiya? I'm just helping you.Hayaan mo silang mag isip ng kung ano."

Wala talaga syang pakealam.Sa panahon ngayon, iba na mag isip ang mga tao kaya baka kung ano ano na ang pumapasok sa mga isip nila.Ayokong pag isipan nila ako ng masama.Naisipan na nga nila na baka ginayuma ko si Zurich kaya ganito sya makitungo sakin.Ayoko nang dagdagan pa yun.

"Zurich, naririnig mo ba ang mga bulungan nila?" tanong ko baka kasi nabingi na.

"Yeah! Hindi ako bingi para hindi yun marinig."

"Ohh yun naman pala ehh.Bitiwan mo na ako.Kung ano ano na yung pinangsasabi nila dahil buhat mo ako."

He's In love with the Ugly GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon