Chapter 59: The Plan

667 21 0
                                    

Chapter 59: The Plan

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Nagising ako sa mga ingay na naririnig ko sa labas. Pag mulat ng mga mata ko, ang unang mga salitang narinig ko ay tungkol sa akin.

"Baliw ka na ba? Baliw na baliw ka na talaga kay Mana?"

Boses iyon ni July. Mukhang pinipilit niyang hinaan ang boses niya pero sa sobrang galit ay hindi na magawa.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at binalot ko ang hubad na katawan gamit ang kumot. Tumayo ako at pumunta sa cabinet para kumuha ng damit ni August.

"Yes. I'm crazily, madly in love with her. I got it bad, July."

Napatigil ako sa pagsuot ng t-shirt. Tumingin ako sa pinto. May uwang doon at nakikita kong nakatayo ang magkambal sa labas.

"You will get her pregnant!" July shouted.

Namilog ang mga mata ko.

"That's the plan. To get her pregnant. To marry her." Bumuntong-hininga si August at may kumurot sa puso ko. May bumara sa lalamunan ko. I was shocked by this revelation. "Para hindi na siya makawala sa akin. Para hindi na siya makaalis. Para hindi na siya pumuntang ibang bayan para mag-aral!"

"Nababaliw ka na nga talaga! Masyado pa tayong bata para magkapamilya! Bata ka pa! Paano ang pag-aaral mo?! Hindi ka na magpapatuloy ng kolehiyo?! Magiging batang tatay kang putangina ka?!"

A paused. I continued dressing as my heart sunk even more.

So that's his plan. Kaya pala nitong mga nakaraang linggo ay parang may problema sa kanya. At sa tuwing ginagawa namin iyon, hindi siya gumagamit ng condom.

August, bakit? Bakit mo kailangang gawin iyon? Puro ako na lang ba ang tumatakbo sa isipan mo? Paano ka? Paano ang kinabukasan mo?

Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Agad ko iyong pinunasan. Gulat pa rin ako sa mga nalalaman ko pero pinilit kong makinig. Pinilit kong maging tahimik sa pag-iyak.

"Wala akong planong mag kolehiyo, July." Narinig kong sagot ni August.

What?

I squeezed my eyes shut. The tears were warm on my cheeks.

"Kung mabubuntis si Mana, paano mo sila susuportahan, kung ganoon?" tanong ni July pabalik, ngayon ay mas mahinahon kumpara kanina.

Dumilat ako saka humugot ako ng napakalalim na hininga. Dahan-dahan akong naglakad papuntang pintuan, iniiwasang makagawa ng kahit anong ingay. Sa paglalakad ay isa-isa kong pinulot ang suot kong dress at high heels kanina. Pati ang suits ni August. Bumubuhos ang luha ko at hindi ko na kayang pigilan ang mga ito.

Nasasaktan ako para kay August.

"Magtatrabaho agad ako pagkatapos ng graduation. Full time saka part time kung pwede. O kaya magtatrabaho ako sa pinagtatrabahuhan ni Papa."

"Hindi iyon ganoon kadali." Narinig kong humihikbi na si July kaya pati ako ay napagaya na. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang mga napulot na damit. Umiyak ako nang umiyak. "Sa tingin mo ay masusuportahan mo na sila sa trabaho mo? Tangina, hindi ka nga magkokolehiyo, eh! Wala kang degree! Hindi naman sa minamaliit ko iyong mga hindi nakapag kolehiyo pero, August, you have the means to do it! Bakit ang dali sa'yong itapon iyon?!"

Wala akong narinig na sagot mula kay August. Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa mga damit at mas lalong umiyak.

"I-Isipin mo naman kung paano mahihirapan si Mana at ang magiging anak mo sa gagawin mo," pagpapatuloy ni July, nanginginig ang boses. "D-Don't be selfish! Alam kong sa ating dalawa, ikaw ang mas mature kahit mas matanda ako sa'yo! Pero sumobra naman ata iyang pagkamature mo! Wala sa tamang lugar!"

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon