Chapter 25: The Appearance of Urie

872 31 0
                                    

Chapter 25: The Appearance of Urie

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Kapag masaya ka talaga, hindi mo napapansin ang panahon. Mabilis lumipas ang mga araw.

Noong mag Araw ng mga Patay, nakasama namin si August sa paglibot sa buong West Street para sa trick or treat. Nakasuot kami ng mga costumes pang Halloween kasama si Gio, Shou, Ate Shinoa, Minerva, Terrence, at Kevin. Ate Tamara, cousin of Gio, wanted to come with us pero nang malaman niyang kasama si Shou at Ate Shinoa, nagbago ang isip niya. Awkward daw kasi iyon para sa kanya kahit na ayos na silang tatlo at wala ng misunderstanding sa pagitan nila.

"Grown up men and women na tayo pero ginagawa pa rin natin 'to? Next time, hindi na ako sasama. Psh." Masungit akong tiningnan ni Shou. Ako kasi ang nangungulit sa kanila taon-taon para mag trick or treat kahit matanda na kami. "And why that delinquent is here? Didn't know you are already close with him?"

Narinig iyon ni August dahil nasa tabi ko lang siya habang naglalakad kami at may hawak-hawak na pumpkin na may lamang chocolates and candies. Ngumiwi siya kay Shou.

"Hindi mo ba alam? Pinsan ka ni Mana pero hindi mo alam ang nangyayari sa buhay niya?"

Nakagat ko ang labi ko sa maangas na boses ni August. Nasa harapan namin sina Kevin, Terrence, at Minerva. Sila ang mga kaibigan ni Shou noon pa man. Tuwing Halloween ay kasama namin sila mag trick or treat.

Si Gio at Ate Shinoa ay kasabay namin maglakad. Gusto ko ngang isiping baka sila talaga ang dalawang magpinsan at hindi si Gio at Ate Tamara. Parehas silang tahimik, eh.

"What I need to know about her life?" Shou creased his forehead. "Are you two dating already?"

"Hindi, 'no!" Umiling ako, namumula ang mukha.

"Baka next year pa." Ngumisi si August. "Nililigawan ko pa sila ng Daddy niya ngayon."

Mabuti at hindi iyon narinig nina Minerva sa aming harapan. Tumingin sa amin si Ate Shinoa at nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. She looked at me with those eyes like she was saying, "Finally, you got him."

"You're courting Tito?" Shou sounded and looked disgusted. "What the fuck? Aren't you disgusted?"

"Iba naman ata ang iniisip mo. Sinusuyo niya lang si Dad para payagan siyang ligawan ako," sabi ko.

His face never changed. "How did it happen? The last time I checked, hindi kayo close? Hindi kayo nag-uusap? Tumawa pa ang lalaking 'yan dati nang mapaupo ka sa cafeteria."

Because he was just jealous.

"Nagselos lang ako no'n kay Gio. Nakita ko kasing niyakap siya ni Mana patalikod," sagot ni August at hindi ako makapaniwalang inamin niya iyon sa harap ng pinsan ko at ng lalaking mismong pinagselosan niya.

Hindi na nakapagsalita si Shou. Tinitigan lang niya si August na parang kinikilatis.

"Mana is the Queen and Star of the Music Club. She's famous," Ate Shinoa spoke at last. We gazed at her. "Ano mang kilos ang gawin niya, agad iyong pag-uusapan. Pero walang balitang kumalat tungkol sa inyong dalawa. Kung hindi pa ako sumama rito, hindi ko pa malalaman. Secret lang ba ang tungkol sa inyo?"

Her voice was firm and cold, like the usual Miss President of the Student Council High School Department. Siguro kung hindi ako close sa kanya, baka nasindak na rin ako sa paraan niya ng pagsasalita.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now