Chapter 57: Some Reconciliations

598 19 0
                                    

Chapter 57: Some Reconciliations

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

This is the worst.

Puro pangit na pangyayari lang ang dumating sa akin pagpasok ng Marso. Sa lahat ng hindi magandang nangyari sa akin, ang paglayo ni Gio ang pinaka ayoko.

Ang pinaka masakit.

Since he started avoiding me, everything feels so wrong.

I stared at my hand and my heart immediately ached. It was hard to breathe.

He's slipping away from my grip. He's leaving me. I don't want it. I don't want to lose him. Not him. Oh, God. Not Giovanni.

Humapdi ang aking mga mata at agad kong pinigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Nagpunas ako ng pawis sa aking noo at leeg. Sinalubong ako ng nakasimangot na si Ate Airi.

"What kind of performance is that? Puro mali!" sabi niya at narinig lahat ng taong nasa likod ng backstage.

Tumabi sa akin sina Shannon at Iesha para ipagtanggol ako. Tumingin lang ako sa gilid at hindi pinansin ang tingin sa akin ng mga estudyanteng nasa backstage.

This is my worst performance. I felt guilty for making so many mistakes during our performance because my mind was on something else.

Or more like, on someone else.

Gio...

Parang may bato sa lalamunan ko at ang sakit bigla lumunok.

"Mana is not feeling okay. That's why she's made many mistakes," Shannon said.

"Oo, Ate Airi. Patawarin mo na si Mana."

I heard Ate Airi snickered.

"Ha! Bakit papatawarin ko ang isang taong hindi naman humihingi ng tawad?"

A sigh escaped from my lips. I have no time to play in her games.

"I'm sorry," I said stiffly, not looking at her direction.

And that made her angry. Hay!

Bumuntong hininga ako at umalis na lang ng backstage. Sumunod sina Iesha sa akin. Nakita ko si Gio sa backstage, tumutulong sa pag-aayos ng mga props. Nagkulang sa tao kaya nag presinta siyang tumulong.

Nang magtama ang mga mata namin ay bigla siyang tumigil sa ginagawa niya. Parang nawalan siya ng ganang kumilos. Kumikirot ang dibdib ko at gusto kong umiyak sa mismong harapan niya.

Hindi ko kaya na ganito kami.

Magkasabay kaming lumabas ng backstage. Magkatabi. Magkalapit. Malapit nang magkadikit ang mga braso namin.

We are so close yet so far.

Bumuka ang bibig ko para tawagin siya pero may tumawag sa pangalan ko.

August.

Ngayong nakikita ko siya, saka ko lang naalalang may boyfriend pa pala ako. Shit. I hate myself for forgetting him. My mind was a mess and all I could think about was Gio.

I saw his sad eyes. I heard how he tried to be okay and happy for me. To be supportive and understanding.

I wanted to hug him and apologized for neglecting him but as soon as I saw Gio walking away from me, from my grasp, I panicked.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now