Chapter 32: Parang Isang Damit

706 27 0
                                    

Chapter 32: Parang Isang Damit

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Malaki ang ngiti ko habang pinapanood si Mana mag practice ng kakantahin niya sa darating na Culture Festival sa susunod na linggo. Pwedeng pumasok kahit sino sa loob ng Music Club para manood, basta huwag lang maingay masyado at mangguggulo.

Kasama ko sina Rigel at Kirk na parehas nagsimulang mag fangirl kay Mana. Hindi lang silang dalawa, pati ang ibang lalaking nagpaunahan pang pumasok sa loob at manguna sa pinaka unahan para mapanood siya nang malapitan. Nasa malayong banda lang kami dahil nahuli kami sa pagpasok. Lahat kami ay nakaupo sa sahig.

Hinahayaan ko na lang ang mga lalaking 'yan dahil sa huli, sa akin pa rin ang huling halakhak. Sa huli, akin pa rin si Mana.

Napangi ako nang malaki.

Nagsimula muling mag practice ang lahat para sa opening number nila sa Culture Festival. Isa iyong sing and dance ng mga sikat na kanta ngayon. Of course, my baby is the center figure of them all. I couldn't help but to feel proud while watching her, singing and dancing skillfully and beautifully with a charming smile.

Bigla akong siniko ni Rigel at Kirk. Sabay pa talaga sila sa magkabilang tagiliran ko. Napamura ako at sinamaan sila ng tingin.

"Putangina. Kilig na kilig."

"Gago, ang sakit. Sapakin ko kaya kayo?" asik ko, napapangiwi sa sakit.

Mapang-asar nila akong nginisian. Naririnig ko ang boses ng baby ko pero hindi ko siya matingnan dahil busy ako sa pagbibigay ng death glare sa dalawa.

"Nitong mga nakaraang araw, sobrang good mood mo. Kayo na ba?" tanong ni Rigel.

Automatic na napangisi ako. Gusto ko tuloy mapatili na parang bakla.

Sabihin ko na kaya sa kanila? Wala pa silang alam na nililigawan ko na si Mana, eh.

"Baka mabigla kayo nang husto kapag nalaman niyo kung bakit ako good mood palagi," sabi ko.

"Kasi sabay kayong pumasok kahapon?" hula ni Kirk.

"Pwede pero mas may matindi pang dahilan kesa doon!" Hindi ko mapigilang ngumisi na parang tanga. "Nililigawan ko na. Pumayag na iyong Daddy niyang ligawan ko siya officially. Shet lang."

Sa mukha nila ay parang hindi na sila nagulat sa sinabi ko. Agad nawala ang malaking ngiti ko. Gusto ko pa sana magmayabang, eh!

"Sabi na nga ba, eh. Akala ko kayo na pero nililigawan mo pa lang?" bulong ni Rigel, mukhang ayaw niyang iparinig kahit kanino ang pinag-uusapan namin. "Ang hina at bagal mo naman."

"Syempre liligawan ko muna. Papakitang gilas."

"Kapag nalaman ito ng buong Inori, baka kuyugin ka nila. Kahapon nga lang na magkasabay kayong pumasok, halos umikot na ang mga pwet nila sa pagtataka at selos. Lalo na iyong mga lalaki," si Kirk.

Humalakhak ako.

"Mamatay sila sa inggit. Sa akin si Mana, 'no. Ang swerte ko talaga. Kingina. Minsan iniisip ko kung anong ginawa kong mabuti noong past life ko at bakit ganito ako pinagpala."

Pumalatak si Kirk at sumimangot sa akin.

"Pakyu. Bakit kaya pinagpapala ka, eh, ang sama mo kaya. Ako, broken pa rin kay Cedes," sabi niya. "Iyang si Rigel, broken pa rin kay July. Parehas naman kaming gwapo at mabait. Hindi kami nananakit ng babae. Hindi kami katulad mo."

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now