Chapter 43: Urie's Video

616 28 0
                                    

Chapter 43: Urie's Video

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Nakaawang ang aking bibig at pinagpapawisan ako nang todo habang pinapanood ang isang video na inupload ni Urie sa forum site ng buong Inori Academy kagabi. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakaupo sa loob ng isang cubicle. Hindi ko ito napanood kagabi dahil maaga akong natulog. Pagkatapos kong kumain ng dinner at gumawa ng mga assignments, dumiretso na ako sa kama. Ni hindi ko na nga nakausap o natext man lang si August kagabi.

Paggising ko kaninang umaga, binaha ng mga mensahe ang cellphone ko tungkol sa video na ito. Urie recorded a confession video dedicated to me inside of his room. Alam kong kwarto niya iyon dahil nakapunta na ako roon ng iilang beses. Hindi katulad ng nakasanayan, wala siyang suot na hoodie jacket na nagtataklob sa kanyang mukha. He was just wearing a comfy black t-shirt and he looked so good like a dark, sadist, innocent prince in a horror fairy tale movie.

Maputla ang kanyang balat at may dark circles sa ilalim ng mga mata niya na mas lalong nagpadelikado sa itsura niya. His facial features are very delicate, like a face of a beautiful and reserved girl.

But he has a wicked smile and vicious eyes.

Kahit nagpapahiwatig lamang siya ng kanyang nararamdaman sa isang video, kahit tinitingnan niya lang ako sa pamamagitan ng screen, kinikilabutan ako dahil sa mga mata at ngiti niya. Nagtataasan ang mga balahibo ko sa batok sa mababa niyang boses.

In the video, he presented himself as the youngest son of Headmaster Sanderson and my fiancé! He said he loved me too much to let go of me because of August! He even told the viewers that he stalked me for a year now! Pinakita niya ang mga larawan ko sa iba't ibang anggulo at lugar! Alam kong isa sa mga tauhan niya ang kumuha ng mga litratong iyon dahil imposibleng siya! He has...

Napapikit ako at mabigat na bumuntong-hininga.

Nagtapos ang video sa paghahamon niya kay August. This is ridiculous! I can't believe Urie did this!

Tinanggal ko ang nakakabit na earphones sa aking mga tenga. Saka ko narinig na hindi pala ako nag-iisa rito. Agad nagtiim ang bagang ko habang pinapakinggan ang mga nakakairita at nakakasakit na sinasabi ng, sa tingin ko'y dalawang babae, sa labas lang ng mismong cubicle na kinaroroonan ko.

"I don't get why some guys are overly obsessed with Mana. Okay, she's beautiful, talented, and brainy, well... she's really nice, too. Pero hindi lang naman siya ang ganoon? Ang daming babaeng ganoon sa Inori! Bakit siya lang ang nakakatanggap nang sobra-sobrang atensyon at pagmamahal?" sabi ng babaeng pamilyar ang boses sa akin.

Hindi ko matukoy kung sino iyon. Kung anong pangalan niya. Ngunit sigurado akong kilala ko sa mukha ang babaeng iyan.

Mahigpit kong hinawakan ang aking cellphone. Nang magsalita ang kasama niyang babae, muntik ko na hatakin ang aking mga tenga sa sobrang gulantang... baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig? Baka kasi... nababaliw lang ako? Baka nasobrahan sa lakas iyong volume ko kanina nang pinanood ang video ni Urie at nagkaroon lang ng error sa pag function ang mga tenga ko kaya kung anu-ano ang naririnig ko ngayon?

"Kinakausap ko lang naman si Mana dahil malapit si Gio sa kanya."

Baka... Baka doppelganger lang ni Erza iyon? Hindi si Erza ang nagsabi noon!?

"Akala ko bestfriend kayo kasi since grade 6, malapit na kayo sa isa't isa? Pinaplastik mo lang?"

"Bestfriend?" I heard my friend Erza laughed without humor. "Hindi ako ang bestfriend niya. Hindi rin sina Iesha at Shannon. Si Gio. I was just one of her underlings. I thought I was her friend, too. Pero hindi. Kasi kung kaibigan ang turing niya sa akin, ipapaubaya niya sa akin si Gio. Hindi siya hahadlang. Tutulungan niya ako."

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now