Chapter 13: Coffee Milk

1K 35 2
                                    

Chapter 13: Coffee Milk

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Flashback. Senior middle school.

Bago matapos ang buwan ng Marso, nagkaroon ang buong seniors ng class trip sa kalapit na beach resort. A three days and two nights' trip. Isang oras ang byahe papunta roon mula sa Inori Academy. Maaga akong nagising para magluto ng baon kakainin namin sa byahe. Maraming gustong makatikim ng onigiri kaya naman iyon ang ginawa ko.

Lumuhod ako sa harap ng altar ni Mommy. Pinagdikit ko ang aking mga palad at pumikit. Her soft smile flashed in my mind.

Hahaue, ngayong araw po ang class trip ko bago ako magtapos ng middle school. I made lots of onigiri for my classmates. Hope they would love it.

Ngumiti ako bago buksan ang aking mga mata at tumayo. Isang beses kong tiningnan ang picture niyang nakadisplay roon.

Anata ga inakute sabishidesu, Hahaue.

"Dad! I'm going!" sigaw ko dahil nasa kitchen siya.

Sumilip siya mula sa kitchen para ihatid ako ng tingin. "Text me always. Mag-ingat ka!"

I hummed in response.

Sa Inori Academy ang tagpuan dahil ihahatid kami ng bus papuntang beach resort. Papasok pa lang ako ng bus ay marami nang kumausap sa aking kaklase ko tungkol sa onigiri at kung pwede raw bang sila ang maging katabi ko sa upuan.

"Marami akong ginawa," sabi ko at pinakita sa kanila ang malaking paper bag. "Uh, tungkol sa arrangement ng seats, katabi ko na si Erza, e."

"Ako na ang maghahawak niyan," sabi ni Ace dahil nakita niyang mukhang mabigat ang dala ko.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay maraming nag-alok sa aking sila na raw ang magbubuhat ng mga dala ko. Ang ngiti ko ay naging ngiwi dahil nagsimula na silang magtulakan sa paligid ko. Mabuti ay mabilis silang sinaway ng aming homeroom teacher.

"Grabe talaga ang mga stupidyante ng Inori. Uhaw na uhaw sila sa atensyon mo, Mana," natatawang sabi ni Shannon nang makaupo kami sa loob ng bus.

Once we settled in our seats and the one hour ride started to beach resort started, I began to give my onigiris to my classmates.

"Ah! Ang sarap! Medyo maanghang pero, shet, ang sarap pala nito?"

"Usually, hindi maanghang ang onigiri. Mahilig ako sa spicy foods kaya nilagyan ko kaunti. Sorry kung iyong iba, hindi gusto ang maanghang. Gagawa ulit ako ng hindi sa susunod."

"Yes!" they said in unison at nagsimula na silang mag-ingay.

"Nakausap mo ba si Gio kagabi?" mahinang tanong ni Erza sa akin habang kumakain kami ng onigiri.

"Hmm. Yeah. Ang sabi niya, thank you raw sa books na ibinigay mo. Next time raw, sabihin mo na lang ang title ng recommended books mo para siya na lang ang bibili roon. Ayaw niyang gumagastos ka para sa kanya." Ngumisi ako sa kanya at namula ang kanyang mga pisngi.

Minsan ko lamang makitaan ng cute sides itong si Erza. Lumalabas ang pagiging tunay na babae nito kapag si Gio ang pinag-uusapan. She likes him since elementary. Noong nag-aral si Gio rito mula grade 1 hanggang 5, si Erza ang katabi niya palagi. Kahit ilang taon silang seatmates, mukhang hindi sila close at nag-uusap palagi. Napaka tahimik kasi ni Gio.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now