Chapter 44: Something Amazing

594 32 0
                                    

Chapter 44: Something Amazing

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Ang selfish ko. Bakit ko hiningi sa kanya ang bagay na iyon? Alam na alam ko namang ayaw niyang ipaalam sa lahat ang private life niya.

Lumunok ako, nagsimulang kabahan. Baka kasi mainis siya sa akin. Baka magalit.

Baka isipin niya, wala akong iniisip kung 'di iyong gusto ko.

Kaya agad akong umiling sa kanya. Ngumiti, kahit ang totoo ay gusto kong magmakaawa sa kanyang ipagsigawan sa buong mundong kami na.

"Huwag na pala. Magtitiis na lang ako na ganito tayo. Okay lang naman sa akin, eh..."

Okay nga lang ba talaga?

Unti-unti kong inalis ang kamay kong may hawak sa kanya. Nanatili lang siyang tahimik. Nakayuko. Malalim ang iniisip.

Tangina. Iniisip niya na bang ang selfish ko? Tangina. Tangina. Tangina!

"August..." tawag niya, hindi makatingin sa akin.

Pinipiga ang puso ko. Naging mabigat ang paghinga ko. Hindi ko na matagalan itong pag-uusap namin. Ayaw kong isipin niyang selfish ako pero ayaw ko ring tanggihan niya ang gusto kong mangyari.

Ang gulo. Should I just keep quiet every time I'm jealous? Every time I'm angry? Para wala na siyang maisip na kung ano sa akin? Magpipigil na lang. Magkikimkim.

Baka naman ikamatay ko iyon?

Inabot ko ang pisngi niya at hinawakan iyon. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Ngumisi ako pero iyong labi ko, sobra ang panginginig.

"Okay lang talaga, Mana. Sorry kung sumabay pa ako sa mga iniisip mo. Alam kong maraming hindi magandang nangyayari ngayon sa'yo. Sorry. I'm sorry if I'm too selfish and insecure."

Iyon na ata ang huling beses na sinabi ko ang nararamdaman ko.

---- -- ----

Pagkatapos ng araw na iyon, naging tahimik ako. Palagi akong nasa tabi niya pero hindi ako umiimik. Kapag kinakausap niya ako, sumasagot naman ako pero pili lang ang mga sinasabi ko. Natatakot akong may masabi akong iba. Natatakot akong baka may hilingin na naman ako at hindi niya iyon magustuhan.

Alam kong nararamdaman niyang may mali sa akin. Na may kinikimkim ako. Nagpipigil. Pero nanatili rin siyang tahimik. Wala siyang tinanong. Ewan ko kung natatakot siyang mabuksan ulit ang naiwan naming topic tungkol kay Urie o dahil sobrang busy lang namin kasi nalalapit na ang 3rd periodical exam.

"Nag-aaral ka? Himala?"

Kumawala ang buntong-hininga sa aking bibig. Lumingon ako sa nagbukas ng pinto sa aking kwarto. July entered inside and settled on my bed.

"Ikaw lang ba nag may karapatang magbago?" sarkastiko kong sabi, tinutukoy ang pagiging religious niya dahil kay Ace. "What? You think you're a saint now, huh, twin sis?"

Hindi niya pinansin ang insulto ko sa kanya. In the past few weeks, we didn't talk as much as we did before. Of course, it's because of Mariko and my relationship with Mana. Wala siyang alam na kami na pero sa tingin ko, nakakaramdam na siya.

Ngayong pinagmamasdan ko si July, kitang-kita ko ang pagbabago sa kanya. Ang maldita at mataray niyang mukha ay medyo naging mabait sa paningin ko. She looked cunning before. Playgirl. Walang pakialam sa iba basta masunod ang gusto niya... kagaya ko.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now