Chapter 18: The Delinquent is Jealous

1.1K 47 3
                                    

Chapter 18: The Delinquent is Jealous

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Nitong mga nakaraang araw ay panay ang sakit ng ulo ko. Madalas ay nararamdaman ko ito kapag pagkatapos ng mga quizzes or may reporting o ano pa man. Sa tingin ko ay kulang lang ako sa tulog dahil palagi akong past midnight natutulog sa dami ng kailangang aralin na subjects at reports.

Lumingon ako kay Gio na nakabagsak ang ulo sa kanyang desk.

"Halika na. Kakain na tayo ng lunch," sabi ko.

"I'm not gonna eat. Gusto kong matulog."

"What? May masakit ba sa'yo?" tanong ko at hinawakan ang noo niya. "Hindi ka naman mainit. Masakit ba ulo mo?"

Baka parehas kami ng nararamdaman? Masakit ang ulo kasi napapadalas ang pagpupuyat dahil kakaaral?

"No. I'm just sleepy," he said lazily.

"Puyat ka?"

"Yeah."

"Kakaaral?" Ngumisi ako. "Perfect mga quizzes mo kanina, eh. Napuyat ka siguro kakaaral nang husto."

Umiling siya. "I didn't study. May tinapos akong bagong classic novel. Inabot ako ng umaga."

What the hell? Bakit parang nakakainsulto sa part ko iyon? Palagi akong nagpupuyat para makapagreview nang maayos kapag may quiz o exam! Pero palagi pa rin akong top 2! Itong si Gio, hindi na nga nag-aaral, tapos palagi pang perfect ang score! He's always the top 1 among the junior year!

Inirapan ko siya nang malupit. "Genius talaga."

He sighed. "I'm not. Sinabi ko naman sa'yo na napag-aralan ko na ang mga lessons na itinuturo rito kasi kumuha ako ng advance classes sa Washington."

Inirapan ko ulit siya. "Whatever! Sasama kang kumain sa akin kasi nauna na sina Erza kumain! Nasa cafeteria na sila! Wala akong kasabay!"

Hinila ko siya sa braso at halos kaladkarin palabas ng class room. Gumagalaw ang ulo niya left and right sa sobrang antok.

"I don't want to eat."

"I don't want to let you go either," I said and tugged his arm forcefully.

Hinatak pabalik ni Gio ang kamay niya at bigla siyang tumakbo. Suminghap ako pero natawa na rin sa huli. Para siyang bata!

Hinabol ko siya at niyakap patalikod para pigilan. He chuckled softly.

"I caught you!" I laughed.

Napatingin kami nang bumukas ang pinto sa class 2-5. Nasa harap kasi kami nito. Lumabas si Mariko at July. Nagulat sila nang makita akong nakayakap patalikod kay Gio. Sumunod sa kanila sina Rigel, Ace, at Kirk... tapos ay si August. Hindi naman sila magkakaklase pero bakit sabay-sabay silang lumabas ng class room ng 2-5?

Nagtama ang mga mata namin ni August. Kumalabog nang husto ang puso. Bumaba ang mga mata niya sa kamay kong nakapulupot sa baywang ni Gio.

Uminit ang pisngi ko at agad humiwalay sa pagkakayakap patalikod kay Gio. Inirapan ako nang husto ni August at naunang naglakad pababa ng hagdan. Sumunod sa kanya ang mga kaibigan at kambal niya pero panay pa rin ang sulyap sa amin ni Gio.

Okay... that was awkward!

Sa huli ay hindi ko napilit si Gio sumabay sa aking kumain. Tumakbo siya paakyat sa rooftop at dahil masakit ang ulo ko, hindi ko na siya hinabol at hinayaan na lamang. Mukhang antok na antok rin kasi siya, e. Kawawa naman.

Be the Delinquent's GirlМесто, где живут истории. Откройте их для себя