Chapter 17: She's Really the One

1K 41 2
                                    

Chapter 17: She's Really the One

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Marami akong iniisip habang pauwi sa bahay. Sumabay ako sa sundong sasakyan ni Gio pagkatapos ng Away Game.

Gusto kong manatili sa tabi ni Shou kanina dahil alam kong masama ang loob niya at nasasaktan siya sa nangyaring pagkasuspende kay Ate Shinoa. Pero ang hirap niyang lapitan dahil masama ang mood niya. Hindi rin maganda ang laro niya kanina sa Away Game basketball match. Sa huli ay nanalo pa rin sila dahil umayos ang laro ni Shou pagkatapos siyang kausapin ng mga kamyembro niya.

But he insisted to quit the Basketball Club after the match.

Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos magpalit ng pambahay. Inalis ko muna ang pag-iisip kina Shou at nag-isip ng pwedeng iluto mamayang hapunan para sa amin ni Dad nang bigla akong may maalala.

"My phone!" sigaw ko at napatayo.

Hindi ko iyon nakuha sa Music Club! Iniwan ko kasi ro'n nang mag perform kami kanina! Masyado kasi akong occupied kakaisip kina Shou! Nawala sa isip ko!

Dali-dali akong bumaba ng hagdan para pumunta sa bahay nina Gio para makitawag. Iniisip kong mag online thru desktop computer para matawagan kahit sino kina Erza, Shannon, o Iesha pero hindi na ako makakapaghintay ng another minute para malaman kung nasaan ang phone ko ngayon. Matagal pa naman mag start ang personal computer namin!

Sumulyap muna ako saglit sa altar ni Mommy. "Mom! Sa bahay lang ako nina Gio!" paalam ko at mabilis sinuot ang tsinelas.

Nang mabuksan ko ang gate namin ay napapikit ako nang mariin.

Wala nga palang number si Gio kahit sino kina Erza! Paano iyon!? Hindi ko pa naman kabisado ang mga numero ng mga kaibigan ko!

Minulat ko ang aking mga mata at nagdesisyong mag oonline na lang sa personal computer namin nang manlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Oh my God!" Napatili ako.

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang gulat. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa harap ng mismong bahay namin, nakatalikod na nakaupo ang isang August Ongpin! He was still wearing our school uniform!

Tumigil saglit ang puso ko bago ito tumibok muli nang mabilis at malakas. August was looking at me over his shoulder. His face was serious at first but when he saw my mystified expression, he laughed.

"Upo ka rito," sabi niya, tawang-tawa.

"What?" nahahapo kong tanong.

Tinapik niya nang dalawang beses ang tabi niya. "Umupo ka."

Naglakad ako at agad nanghina ang mga tuhod ko. Bakit siya nandito? Bakit kahit pinagtatawanan niya ako, talon pa rin nang talon ang puso ko sa sobrang saya? Pinaparamdam niya sa akin ang hiya at kilig sa parehong oras!

Pinapanood niya ako habang dahan-dahan naglalakad sa kanyang tabi. Hindi ko siya matingnan sa kanyang mga mata. Sa daan lang ako nakatingin. Nanginginig ang mga tuhod at mga kamay, umupo ako sa tabi niya. May iilang dangkal ang layo ko sa kinauupuan niya.

May inabot siya sa akin. It's my cellphone!

"Naiwan mo raw sa Music Club. Pinadala sa akin noong mga kaibigan mong sina Erza at Shannon. May tumatawag daw sa'yo nang paulit-ulit."

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now