Chapter 27: Tissue Paper

817 43 1
                                    

Chapter 27: Tissue Paper

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan kong nag-uusap si Gio at Dad sa sofa. Narinig kong si Urie ang kanilang topic. Nang makita nila ako ay tumahimik sila, tila ayaw iparinig sa akin ang sinasabi nila.

"Hey." Tumango ako kay Gio bilang pagbati.

Pinauna ko na siyang umuwi kanina matapos kong makaharap si August sa harap ng Headmaster's Office. Sa kanya ko na rin pinadala ang aking bag para mabilis kong mahabol si August palabas ng Inori Academy. If I was a little too late, I wonder what would happened to him. Baka pinagtulungan na siya ng tatlong kaibigan ni Urie.

Inilapag ko ang gutay gutay at maduming palumpon ng puting bulaklak sa coffee table. Napatingin sina Dad at Gio roon.

"Are you okay? You look really upset," Daddy said. "These are the flowers you received from Urie? It looks so... bad."

"Nang makita ko iyan kanina sa library, maayos at maganda pa," kumento ni Gio.

Dumako muna ako sa altar ni Mommy at saglit na nagdasal doon habang nakaluhod. Pagkatapos ay tumayo ako at umupo sa tabi ni Gio, kaharap ni Dad sa sofa.

"I got upset with August," I started and then I shared to them what happened between us and the reason why we argued with each other.

Daddy sighed. "Don't you think he's quite possessive of you? Obsessed with you? You're not a thing to own, you know."

"Hindi pa nga kami pero sobra na siyang magselos. Alam niyo iyon... sa tuwing nagseselos siya at may hindi nagustuhang bagay, parang pinapalabas niyang nagtaksil ako sa kanya," sabi ko at napabuntong-hininga na rin.

"Mmm. And he's violent, too. Baka sa susunod ay saktan ka na niya." Daddy's jaw clenched.

"Dad, hindi naman po siguro. Yes, mainitin ang ulo niya. Barumbado. Mas inuuna paganahin ang kamao kesa bibig. But he's a gentle and sweet guy."

Naalala ko tuloy iyong halik na ibinigay niya sa akin sa noo pagkatapos namin mag-away. I think August kissed me on the forehead earlier just to remind me that he still loves me kahit galit siya sa akin at sa mga nangyayari.

"Siguraduhin mo lang, Mana..." may pagbabantang sabi ni Daddy. Napalunok ako. "Ayaw ko sa mga lalaking nananakit ng babae. Kung mahal ka niya, hindi ka dapat niya sasaktan sa kahit anong paraan. Kahit gaano pa siya kagalit."

"He was just jealous and upset. And I really felt bad, Dad, since he got hurt because of me. Because of Urie."

Napasentido ako nang maalala ko ang pinag-usapan namin ni Urie. Kung possessive at obsessed na si August para kay Daddy, paano pa kaya si Urie? He's too much. He's like a soft boy that needs to be pleased. Always.

I gazed at Gio when I heard him make exhaled. He was looking at me with wary eyes.

"The guys around you seem dangerous," he said.

I smirked at him. "Except sa'yo."

A smile crept on his lips. "Well, how do I say this?" Napaayos siya ng upo at nag-iba ang tingin sa akin. Naging malumanay ang kanyang mga mata. "August is like that because he feels insecure from the guys around you. Like... me."

"What?" Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"For him to feel secure, you need to give him assurance. That no one, even me and Urie, can ever take you away from him."

Be the Delinquent's GirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora