Chapter 29: It's Not Your Fault

704 30 0
                                    

Chapter 29: It's Not Your Fault

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Punong-puno ng takot ang puso at isipan ko habang nakikitang nakikipagsapakan sina August, Rigel, at Kirk sa aking harapan laban sa mga kaibigan ni Urie.

Hindi ako makahinga nang maayos. Tila may nakabara sa ilong ko at walang dumadaloy na hangin papasok doon. Naramdaman ko ring unti-unting nag-iinit at lumalabo ang mga mata ko habang patuloy akong sumisigaw na itigil na nila ang pag-aaway.

"Tama na! August! Please! Rigel! Kirk!" patuloy kong sigaw.

Ako ang may kasalanan kung bakit ganito ang nangyayari ngayon.

Ako. Ako!

Ang sakit makitang nag-aaway sila dahil sa akin!

Para akong isang batang napapalibutan ng mga asong nag-aaway. Kanya-kanya silang palitan ng suntok. Sa kaliwa ko ay si Rigel. Sa kanan ay si Kirk.

At sa aking harapan... si August.

Unang tingin pa lang ay alam mo nang nalalamangan sina August ng mga kaibigan ni Urie. Mas marami sila. Pero hindi nagpapatalo sina August. Talagang sanay na sanay sila sa basag ulo.

Lalo na ang pinakamamahal kong lalaki.

"Mana!"

Narinig kong paulit-ulit akong tinawag ni Ace sa likuran.

Hindi ako makagalaw. Hindi ko siya matingnan. Hindi ako makapag react.

Desperado ang boses niya. Parang nagmamakaawang umalis ako sa gitna ng gulo at pumunta sa tabi niya para maprotektahan niya ako.

Nagsimulang manikip ang dibdib ko nang makitang dumudugo na ang mga kamao ni August. Tumutulo ang dugo niya sa sahig.

"August! Please! Stop this!" pagmamakaawa ko, namamaos ang boses.

Wala siyang narinig. Wala silang narinig. Naging mas agresibo pa sila.

Halos mahilo na ako. Kung saan-saan bumabaling ang ulo ko para tingnan ang bawat away at ingay. Umaalingawngaw ang mga murang binibitiwan nila mula sa kanilang mga bibig. Kahit gaano pa sila mag-ingay, kahit magpatayan pa sila ngayon, walang makakarinig.

Nasa isang abandonadong apartment kami. Walang kapitbahay. Walang katabing mga establishments. Puro talahib lang.

Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito kahit pa matagal na ako rito sa West Street.

"Mana!" Patuloy pa rin sa pagtawag sa akin si Ace. "Mana!"

Tumindi ang takot na naramdaman ko nang makitang papalapit sa akin ang dalawa sa mga kaibigan ni Urie.

I knew they wouldn't hurt me but I couldn't stop myself to feel scared. I was stunned. I held my breath.

Narinig ko ang murang lumabas sa bibig ni August. Malakas iyon. Sobrang lutong.

Sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang sinipa ang isa sa mga tatlong lalaking pinagtutulungan siya bago lumapit sa akin.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Napakainit ng kanyang kamay. Mas nakapagdagdag iyon ng kirot sa puso ko. Ang namumuong luha sa aking mga mata ay isang kurap na lang ay bubuhos na.

Hinatak ako ni August sa kanyang likod bago pa makalapit ang dalawa sa akin.

"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now