Chapter 37: Nagtimpi

618 29 3
                                    

Chapter 37: Nagtimpi

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Urie? Bakit... ka nandito?" bungad kong tanong sa kanya.

Bago magsimula ang athletic activities na gaganapin mamayang alas dos ng hapon ay pinatawag ako sa Headmaster's Office. Alam ko na agad kung bakit. Pinapatawag lang naman ako kapag nandiyan si Urie sa office para makita at makipag-usap sa akin.

Hindi ako nag-alinlangang pumunta kahit galit at iniiwasan ko siya dahil sa nangyari kay Ace noong November. I narrowed all the possible reason why he did that. And the top reason why his friends did that to us was because of me. Because he wanted to see me. He wanted to talk to me.

And he was jealous of August.

Noong kumalma ako pagkatapos ng ilang linggo, noong makapag-isip isip, hindi ko na maalagaan ang galit na gusto kong isumbat kay Urie. Nawala iyon na parang bula. Because I knew he didn't want that to happen. He didn't mean to hurt us. To hurt my friend.

I knew from the bottom of my heart that he's a good guy. Well, a little problematic but I swear he's nice and innocent.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko? Ilang linggo mo akong hindi binigyang pansin. Daddy said you're busy so I tried to understand the situation. Pero hindi na ako makatiis," bungad niyang sabi sa akin, may kasamang hinanakit ang tono ng boses niya.

Nagkatinginan kami ni Headmaster Sanderson. Bumuntong-hininga siya at kita sa kanyang mukhang problemado siya sa kanyang anak. Mukhang ilang ulit niyang tinanggihan at pinagbawalan ang pagpunta ni Urie rito sa Inori Academy. Pero sa huli ay nanaig pa rin ang gusto ng anak niya. Nagpaubaya na lang. Pinagbigyan.

Tumango siya sa akin bago tahimik na lumabas sa office para bigyan kami ng privacy ni Urie. Nanatili ang lukot sa kanyang mukha habang sinasarado ang pinto.

Nang marinig kong sumara ang pinto, bumaling ako kay Urie. Ang kapiranggot na galit na hanggang ngayon ay nanatili sa kaibuturan ng puso ko ay ipinakita ko sa kanya gamit ang aking mga mata.

Urie creased his forehead after seeing my angry expression.

"Alam kong alam mong galit ako sa'yo dahil sa nangyari noong nakaraang buwan. At alam ko rin alam mong iyon ang dahilan kung bakit hindi ko pinapansin ang mga tawag at text mo. Kung bakit iniiwasan kita. Alam kong alam mo iyon pero mas pinili mong magmaang-maangan," mahabang sabi ko sa mahinahong tono.

Huminga akong malalim at sinuri ang kanyang ekspresyon. Kapag kausap ko si Urie, kailangan bantayan ko ang bawat kilos at galaw niya. Iyong mood niya. Lalo na ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako pwedeng magsabi ng kung anu-ano.

Because anytime, he will have panic attack. And I don't want that.

A mere word can hurt him greatly. A simple gesture can costs him his health.

That's how fragile he is.

He looked down guiltily. And boy, my heart started clenching painfully when I saw his soft and troubled face.

"I wanted to apologize for that..." he trailed off and he glanced at me to see my expression. "I know it's late but I'm sorry."

"You should apologize to my friends, too. Especially Ace. He got hospitalized because of... your friend."

"I was sorry for what happened but..." Napalunok siya at biglang naging matigas ang kanyang ekspresyon. Humakbang siya ng isa palapit sa akin. Tumingala ako dahil ang tangkad niya. "...I will never accept defeat."

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon