Chapter 26: You're Mine Alone

862 39 2
                                    

Chapter 26: You're Mine Alone

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"Putangina! Anong probleman mo?!" galit kong sigaw sa lalaking sumuntok sa akin.

Muntik na akong mapaupo dahil nagulat ako sa suntok niya pero mabilis ang reflexes ko kaya napaurong lang ako ng isang beses. Umayos ako ng tayo at pinanlisakan ko sila ng mga mata.

Nagkatinginan ang tatlong lalaking hindi ko kilala.

"Sabi ni Boss, isang suntok lang ang gawin natin. Takutin lang daw natin," sabi ng isa.

"Si August Ongpin ang kaharap natin ngayon. Hindi natatakot iyan ng isang suntok lang."

I stood up defensively when the guy on the right charged at me. But the other guy stopped him.

"Hindi pwede. Magagalit si Boss kapag may ginawa pa tayong wala sa utos niya." Tumingin siya sa akin. Siya ang depotang sumuntok sa akin. Napahawak ako sa aking panga. Ang lakas ng pagkakasuntok niya. Magkasing laki lang naman kami ng katawan pero parang kamao ng isang maton ang tumama sa akin. Taas-noo at maangas ko siyang tinitigan. "May pinapasabi si Boss."

"Sino ba ang putanginang boss na 'yan? Sabihin mo, one on one kami. Huwag iyong gagamit siya ng ibang tao para anuhin ako."

Ngumisi lang siya sa akin. "Hindi siya barumbado kagaya mo," sabi niya.

I just laughed it off. "Baka naman takot iyang boss niyo? Magaling lang sa pag-utos? Anong akala niya sa inyo? Mga aso?"

Dahil sa sinabi ko, para silang baby lions na nagalit. Muntik na mawala ang composure ng lalaking sumuntok sa akin kanina. Mabilis din namang bumalik sa pagiging kalmado ang mukha niya.

"May pinapasabi siya. Ang isang katulad mo ay hindi nababagay kay Miss Mana Tachibana. Kung hindi mo ititigil ang kahibangan mo..." Ipinakita niya sa akin ang ngisi niyang nakakapang gigil ng laman. Ang sarap niyang itumba. "...masasaktan ka lang sa amin."

Sa labing pitong taong nabubuhay ako, ito ang unang pagkakataong may nagbanta sa aking layuan ang isang babae. Hindi naman lapitin si Mariko ng lalaki noon kaya walang nagagalit sa akin. Ngayon, dahil si Mana na ang mahal ko, pakiramdam ko ay kaaway ko ang lahat ng lalaki sa Bayan ng Inori.

Lumapit ako sa kanila. Ang dalawa sa kanila ay napalunok at umayos ng tayo na animong naghahanda sa kung ano man ang gagawin ko.

"Sa anong gang kayo nabibilang?"

"Walang extravagant name ang gang namin. Binuo lang namin iyon para sa Boss namin. Nagsama sama kami dahil may common interest at goal kami."

"Kung ganoon, sino ang boss niyo?"

"Hindi mo kailangan malaman," pinal na sinabi ng lalaking sumuntok sa akin.

Humalakhak ako. Huminto ako sa kanilang harapan. Pare-parehas kami ng laki at tangkad. Pero ramdam kong nasisindak na ang dalawang lalaki sa gilid dahil sa ginagawa kong paninitig sa kanila.

Tumalikod sila para umalis. Mabilis kong hinablot ang kwelyo ng lalaking sumuntok sa akin at padarag kong pinaharap sa akin.

"Hindi naman ata pupwede iyon? Pagkatapos mo akong suntukin at pagbantaan, ganoon lang iyon? Aalis na lang kayo? Paano na ang ganti ko?"

Mala-demonyo akong ngumisi sa kanya bago binigyan ng suntok ang panga niya. Doble pa sa ibinigay niya sa akin kanina. Napaupo siya sa sahig. Nanginig ang kamao ko. Ramdam ko ang sakit at hapdi roon. Ganoon kalakas ang naibigay kong suntok sa kanya.

Be the Delinquent's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon