Chapter 49: He's changed

647 28 2
                                    

Chapter 49: He's changed

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Tinitingnan ko ang aking ring finger at hindi ko namalayang nangingiti na pala ako. May kaba at takot akong nararamdaman sa aking dibdib ngunit nangingibabaw ang saya sa akin.

"Sa Valentine's Day ka ipapakilala ni August sa parents niya?" tanong ni Gio habang nakatambay ako sa kanyang kwarto.

His room was big. Big enough for one person. Ganoon din ang king sized bed niya. Walang masyadong laman ang loob maliban sa maraming maraming librong nakadisplay sa bookshelves. Bawat kanto ng kanyang kwarto, bawat dingding, may mga iba't ibang klaseng bookshelf ang nakadikit. Brown, black, and cream ang kulay ng mga gamit sa kwarto niya.

"Yeah. Do you think... he'll propose to me?" Uminit ang buong mukha ko sa sinabi. "Hindi naman sa assuming ako, ah, Gio, pero kasi... parang ganoon na rin ang sinabi niya. Indirect proposal."

Humarap ako sa kanya at lumakad kung nasaan siya. Kumuha ako ng upuan at tumabi sa study table niya. He was reading, again, a classic book.

"Will you accept his proposal, if ever?" he asked lowly.

"Bata pa kami. High school pa lang. Pero alam ko sa sarili kong wala na akong ibang mamahaling bukod sa kanya. Kaya... siguro?"

"Aren't you scared?"

"I'm scared but... I'll just say yes to his proposal. Hindi pa naman kami magpapakasal agad agad. After 10 years or 8 years pa."

My face heated even more. Damn it. I was feeling so giddy! A future with August, huh?

Natigil ako sa kilig na nararamdaman nang mamataan kong walang reaksyon si Gio. Okay, may bago pa ba? Pero kanina ko pa napapansin, simula ng dumating ako rito, hindi niya ako tinatapunan ng kahit isang tingin.

"Hey, Gio."

"Hm?"

Binantayan ko ang magiging reaksyon niya.

"Wala ka bang natitipuhang babae? Sa buong buhay na mag bestfriend tayo, wala akong nabalitaang may nagustuhan ka."

Natigil siya sa paglilipat ng pahina. I saw how he gritted his teeth and how his jaw clenched. His face darkened while looking down at the book.

"Why are you asking?" he asked back.

"I'm just curious..." Napalunok ako at nagsimulang maging uneasy sa pinapakita niyang ekspresyon. "Why are you always with me? Go, make your love life grows."

"My love can wait. I want to be with you always."

"You're confusing me, Gio. Are you sure you don't have any romantic feelings for me?"

Dahan-dahan ay tumingin siya sa akin.

Sa wakas!

Pero nang magtama ang aming mga mata, pinagdasal kong sana ay hindi na lang siya tumingin sa akin. Napapaso ako sa kanyang mga mata. Parang hindi lang ang mga mata ko ang tinitingnan niya... kung 'di pati ang kaluluwa ko!

Bumuka ang kanyang bibig para magsalita at sobra kung kumabog ang dibdib ko!

But he immediately closed his mouth when my phone rang. Shit! Anong sasabihin niya?

Oo, may gusto ako sa'yo.

O...

Wala, wala akong gusto sa'yo. We're just bestfriend.

Be the Delinquent's GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora