Chapter 1: I Tried To Help Your Girl

2.8K 54 110
                                    

Chapter 1: I Tried To Help Your Girl

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Okay, let's have our first practice later after class," deklara ni Ate Airi, ang Presidente ng Music Club ngayon, bago kami nagsitayuan,.

Isa-isang lumabas ng Music Club Room ang mga kasama ko. Inayos ko muna ang buhok ko bago sumabay sa mga kaibigan ko palabas.

Ngayon ang pangalawang araw ko ng pasok bilang junior high school sa Inori Academy. Nagkaroon kami ng saglit na meeting para i-finalize ang gagawin naming performance sa darating na Acquaintance Party nitong weekend.

Nagkakaroon palagi ng Acquaintance Party sa Inori Academy kapag nagsimula na ang bagong school year. Ginaganap ito tuwing Sabado pagkatapos ng unang limang araw ng mga estudyante sa paaralan.

"Anong kakainin natin for lunch break?" Tumingin sa akin si Shannon, ang kaibigan kong mahilig sa Kpop.

"Kayo? Ano bang gusto niyo? Anything spicy is fine to me." I smirked at them.

Iesha, my religious and energetic friend, rolled her eyes at me. "Alam mo namang hindi kami mahilig sa spicy foods, e. Ikaw lang ang mahilig!"

"Mag curry na lang tayo! Iyong hindi maanghang!" singhal ni Erza, ang isa ko pang kaibigang member din ng Taekwondo Club.

Ngumuso na lang ako at hindi na nakipagtalo. I want spicy foods, though. Ang sarap-sarap kayang kumain ng mga maaanghang. Nakakachallenge!

Kaming magkakaibigan, pare-parehas kasama sa Music Club. We all have talents on singing and dancing. Ang kaibahan ko nga lang sa kanila, ako, tumutugtog ng mga instruments.

Nang makalabas kami ng Music Club Room, nakita kong nakatayo si Gio at nakasandal sa railings. Nagbabasa siya ng isang classic novel. Madramang hinahangin ang kanyang buhok. Ang mga babaeng dumadaan ay nababali ang leeg kahahabol ng tingin sa kanya.

Giovanni Steffon Cervantes just transferred back here in Inori Academy yesterday. Dito siya nag-aral noong elementary at ako naman ay nasa Japan.

Nang sixth grade namin, nag-ibang bansa siya para roon ipagpatuloy ang pag-aaral habang ako naman ay umuwi ng Pilipinas para rito mag-aral sa Inori Academy ng grade 6 dahil nakahanap si Daddy ng trabaho bilang teacher.

Kakauwi lang ni Gio rito noong last week para mag-aral ulit dito. Kaya kung pinagpipyestahan siya ng mga babae, naiintindihan ko. Bagong mukha, e. Saka ang gwapo pa. Pero wag na silang umasang papansinin sila ni Gio kasi dakilang snob at tahimik ang lalaking 'yon! Parang may sariling mundo palagi!

Tumayo ako sa harapan niya. Tinanggal niya ang kanyang paningin sa libro at itinuon sa akin. Agad ko siyang binigyan ng ngiti pero nanatili lang ang poker face niya.

"Hinintay mo pa ba talaga ako? Bakit hindi ka na naunang mag lunch?" tanong ko. He just shrugged. Isinara niya ang kanyang libro at nabasa ko ang title no'n. No Longer Human by Osamu Dazai. "May sinalihan ka na bang club?"

Umiling siya. Bumuntong-hininga ako.

Nagpatuloy kaming maglakad papuntang canteen. Busy sina Shannon, Iesha, at Erza sa pag-uusap sa kung ano ang dapat kainin namin.

Sinulyapan ko ulit si Gio. "May mga bagong kaibigan ka na ba?"

Umiling ulit siya. Napabuga ako ng hangin! Grabe! Ang sarap talaga kausap nito, e! Bakit ko ba 'to naging bestfriend?

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now