Chapter 4: Blame It on the Rain

1.4K 52 5
                                    

Chapter 4: Blame It on the Rain

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

August got jealous.

Kahit gusto ko ang sinabi nina Rigel, hindi ko kayang paniwalaan. Kasi bakit? Bakit siya magseselos kay Gio? Wala naman siyang gusto sa akin! Si Mari ang mahal niya!

Unless...

Uminit ang aking mukha sa naisip. Imposible. Paano siya magkakagusto sa akin, e, hindi nga niya ako kilala? Hindi niya alam ang pangalan ko. He didn't know my existence not until a few days ago.

Kinabukasan, pumasok ako nang walang masyadong tulog. Lubog at nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Tinakpan ko iyon gamit ang concealer. I did my make-up twice as I usually do. Ayaw kong pumasok na parang potato sa school.

"Patingin naman ako ng gown na isusuot niyo sa AP. Send it in our group chat! I'll wear a pale pink gown then my mother hired a make-up artist for me. Sabi ko ang gusto ko, magmukha akong Korean." sabi ni Shannon habang naghihintay kami ng teacher sa unang subject. Tumingin siya sa akin at saglit na napatitig sa aking mukha. "You're unusually extra beautiful today, Mana."

Ngumisi ako at pumangalumbaba. "Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Nangingitim at lumalim nang husto ang mga mata ko pagkagising kaya kinapalan ko ang eye make-up ko."

"Kahit naman wala kang make-up at malaki ang eye bags mo, sobrang pretty mo pa rin." Ngumisi sa akin si Iesha.

Tumawa ako. "Maganda tayong lahat!"

Natawa rin siya, parang ginawang biro ang sinabi ko. "Anong isusuot mong gown, Mana? Patingin!" tanong niya.

"I'll send it to our group chat later. Wala akong picture ngayon rito sa phone ko, e."

"Oo nga pala," biglang nagsalita si Erza. Napatingin kaming lahat sa kanya. Maangas siyang sumandal sa upuan at naniningkit na tumingin sa akin. "Bakit sunod nang sunod sina Rigel at Kirk ng class 2-3 sa'yo kahapon at noong nakaraan?"

Nalusaw ang ngiti ko. "They just wanted to apologize."

"For what?" sabay-sabay nilang tanong.

Nakagat ko ang labi ko. "Kasi..."

Sinabi ko sa kanila kung bakit lapit nang lapit sa akin sina Kirk. Nandoon sila noong araw na sinigawan at pinagbintangan ako ni August kaya hindi naging mahirap ipaliwanag sa kanila ang sitwasyon.

"Napakasiga naman kasi niyan ni August. Pati babae, pinapatulan," inis na wika ni Erza.

"Pero kahit ganoon siya, maraming nagkakagusto ro'n," sabat ni Iesha.

Suminangot si Erza. "Bakit? Gusto mo siya?"

Agad nanlaki ang mga mata ni Iesha. "Hindi, ah! Alam niyo naman na si Ace lang ang type ko." Sabay namula ang kanyang mukha.

Oh. We know.

Dumiretso ang paningin ko sa harapan kung nasaan si Ace. May kausap siyang kaklase namin at nagtatawanan sila. Ngumiti ako kay Iesha.

"Bagay kayo. Both religious. Kaso may July na 'yon," sabi ko.

Ngumuso siya. "Hindi naman sila."

"Hindi nga pero parang may something sila. Uubra ka ba kay July Ongpin?" Tinawanan siya ni Shannon.

"Eh, shut up! Ikaw? Uubra ka ba kay Miss President?"

"What?" naeeskandalong tanong ni Shannon.

"Patay na patay ka kay Shou, iyong pinsan ni Mana! But he likes Ate Shinoa. Not you." Tumawa si Iesha bilang ganti sa ginawang pagtawa ni Shannon sa kanya kanina.

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now