Chapter 23: Aspiring What?

1K 44 3
                                    

Chapter 23: Aspiring What?

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

Pagkatapos ng unang subject ko sa pang-umaga, kalalabas lang ng teacher sa pinto, may tumawag na agad sa pangalan ko. More on, may sumigaw.

"Mana, tawag ka ni August!" sabi ni Rocco, ang Secretary ng Student Council High School Department na kaklase ko at kasama sa Top 10.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata kasi naman kung makasigaw, akala mo ay wala nang bukas. Pero humalakhak lang siya at ngumuso sa nakabukas na pinto, tinuturo ang direksyon ni August. Hawak ang doorknob para pigilan ito sa kusang pagsara, nakasilip siya sa akin. Mabilis kumalat ang init sa mukha ko lalo na't lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin at sa kanya. Nagtataka siguro sila kung bakit nandito ang nangungunang basagulero sa High School Department at hinahanap ako.

"Himala. Bakit nandito 'yan? Tinamaan na ba sa'yo, sa wakas, Mana?" natatawang sabi ni Shannon.

"Baka may kailangan?" Inosenteng tumingin si Iesha kay August.

Hindi ko sila sinagot at tumayo na lang. Wala silang alam dahil wala naman akong sinabi sa kanila. Excited na akong ikwento sa kanila ang totoong nangyayari sa amin ni August pero kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala. Paano pa kaya sila? Siguro ay next time na lang. Kapag sobra naman ang kilig na nararamdaman ko, nandiyan si Gio para sumalo sa lahat ng saya ko sa buhay.

Bawat hakbang ko'y pinagmamasdan ng mga kaklase ko. Lumunok ako at taas-noong naglakad palabas ng classroom. Init na init ang mukha at mga tenga ko pero hindi ako nagpahalatang kilig na kilig ako.

Ahhh! Pinuntahan lang naman ako ni August sa classroom ko! Iyong lalaking mahal na mahal ko! Iyong lalaking matagal ko nang pangarap! Sinong hindi kikiligin!?

He was smiling sweetly at me that shocked everyone. Marahan ko siyang tinulak para masarado ko ang pinto.

"B-Bakit ka nandito?" agarang tanong ko nang harapin siya, uutal utal pa dahil sa pinamalas niyang magandang ngiti.

"Ayaw mo ba? Sikat na sikat ka talaga. Lalabas ka lang, lahat na ng mga mata ay nakatutok sa'yo," maloko niyang sabi.

"Ganoon sila makatingin kasi ngayon ka lang naman pumunta sa classroom namin tapos ako pa ang hanap mo. First time 'yon."

Napahawak siya sa kanyang baba at hinimas iyon in a thoughtful manner.

"Paano pa kaya kapag nalaman nilang liligawan kita?"

Wala na. Mas lalo pang nag-init ang buong mukha ko. Kilig na kilig, e. Para akong bulating kinuryente. Pigil na pigil lang ako sa sarili kong huwag masyadong gumalaw at maging malikot kasi nasa harap ko si August. Mamaya na kapag si Gio ang kasama ko. Aaaahh!

"Paano kapag hindi pumayag si Dad na ligawan mo ako?" I asked and his face changed. Sumimangot siya at hindi maipinta ang mukha. "Ang bugnutin mo. Noon kapag nakikita kita, palagi kang nakasimangot. Maangas ang mukha. Ngiti ka naman diyan."

Sinubukan ko talagang ibahin ang topic kasi ang sama talaga ng mukha niya. Bumuga siya ng hangin at medyo nabawasan naman ang lukot sa mukha niya.

"Ang pessimistic mo kasi, eh. Hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw, inaalis mo na ang lahat ng pag-asa sa puso ko."

Nakonsensya naman ako. Lumapit ako at hinimas ang braso niya para makalma siya. Napatingin siya sa kamay kong nasa braso niya at ngumuso.

"I was just stating the possibility. I'm sorry." I looked up at him guiltily. "Sorry na. Huwag kang magalit."

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now