Chapter 28: Just an Insect

728 29 2
                                    

Chapter 28: Just an Insect

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

"Will you stop bullying me when you're jealous?" palihim akong binulungan ni Mana nang matapos kami sa pagrereview sa coffee shop at ngayon ay pauwi na.

Ngumuso ako. "Kaya ko lang naman ginagawa iyon kasi gusto kong magpapansin sa'yo."

Napamaang siya. "What?"

"Kapag nagtatampo kasi ako, hindi mo ako nilalambing."

"August, para kang bata." Natawa siya bigla.

"You're not a sweet person, Mana," I said, sounding disappointed.

Mas lalo siyang natawa. "Alright. Next time, lalambingin na kita kapag nagseselos at nagtatampo ka."

Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga?"

She nodded. "Yes. So stop bullying me, okay? If you're upset or jealous, talk to me. We can fix it by communicating with each other, August." She gave out a beautiful and soft smile.

My heart couldn't take that smile. I wanted to hug her. I wanted to kiss her lips.

But not right now because I saw Rigel and Kirk gazing teasingly at us. Sinamaan ko agad sila ng tingin pero agad lumambot ang aking mukha nang makita kong pati si Mariko ay nakasulyap sa amin.

May kung anong pumiga sa dibdib ko. Naramdaman kong hinaplos ni Mana ang braso ko. Saglit lang iyon at parang dahon lang na sumagi sa braso ko. Bumalik ang tingin ko sa kanya at naabutan kong nakatingin din siya sa banda nina Mariko.

"Doon muna ako kay Ace." Awkward siyang ngumiti.

"Si Ace ba ang boyfriend mo para sa kanya ka lumapit?"

"Ayan ka na naman. Ang bilis uminit ng ulo mo," sabi niya at napailing ngunit may ngiti pa rin sa labi. "Kay Ace muna ako tatabi at baka mapansin na nilang may kung ano sa atin kapag tumagal pa ako sa tabi mo."

Napangisi ako. Mabilis kong pinisil ang kamay niya. Agad din siyang bumitaw sa hawak ko at mas lalong naging awkward.

"Ano bang mayroon sa ating dalawa?" nang-aasar kong tanong.

"Wala. Baka magtaka lang silang magkatabi tayo at nag-uusap."

"Alam naman nina Rigel at Kirk kung anong nararamdaman ko sa'yo. Si Ace ay mukhang may hinala na pero hindi lang nagsasalita. Sina July at Mariko... malay ko," bulong ko.

"I'm worried about Mariko." Her smile was gone now and all I could see in her face was concern and guilt.

Pakiramdam ko tuloy, ako na ang pinaka masamang tao sa Inori ngayon. My baby is feeling guilty right now about Mariko because of me. Pakiramdam niya, sa paningin niya, inaagaw niya ako kay Mariko na hindi naman totoo.

Hindi ako nagpaagaw. Ako mismo ang umalis kay Mariko. Ako ang lumayo. Ako ang umayaw.

At kung aagawin man ako ni Mana mula sa kanya, magpapaagaw ako.

Nag-antay kami ng tricycle pero lahat ng mga dumadaan ay puno. Panay ang sulyap ko sa aking likod kung nasaan si Mana kasama si Ace at July. Mariko was with them, just a few gap away from Hulyo. She was looking down while biting her lower lips.

I wonder what she's thinking. I want to settle our feelings and relatioship. I want us to have a closure, at least. Gusto kong humingi ng patawad nang paulit-ulit dahil nag mahal ako ng iba bukod sa kanya at iniwan siya. Gusto kong marinig niya ang totoo kong nararamdaman noon pa man.

Be the Delinquent's GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz