Chapter 40: The Confession of the Queen

691 35 2
                                    

Chapter 40: The Confession of the Queen

---- -- ----


AUGUST CONSTANTIN ONGPIN

Mabilis lumipas ang mga araw. Christmas Party. Start of Holiday Break. Christmas Eve. Christmas Day.

And then, my baby's 17th birthday.

This is our first Christmas, birthday, and New Year together! Tuwang-tuwa ako dahil pinili niyang dito mag celebrate ng mga okasyong iyon imbes sa Japan, kagaya ng nakasanayan nila simula noong mamatay ang Mommy niya.

"Hi! Oh my! Kitang-kita ko ang mga regalo para sa akin!" tuwang-tuwa niyang sabi nang pagbuksan kami ng gate.

Ngumisi ako. Halos lahat kami ay dalawa ang dalang regalo, isa para sa birthday niya at isa para sa exchange gift na magaganap sa amin.

Pero ang ngisi kong iyon ay agad naglaho nang mapagmasdan ang itsura niya. She looked exhausted. Pang bahay na damit lang ang suot niya at may nakapatong na cotton pink apron. Walang make-up.

But damn it, she's still gorgeous. Even with those beads of sweat on her neck!

"Okay ka lang? Halatang pagod ka," nag-aalala kong tanong sa kanya at nanguna sa pagpasok para malapitan siya.

Hindi nawala ang kinang sa mga mata niya.

"Pagod at nangangalay ang mga braso ko sa kaluluto pero okay lang! I'm alright! I'm happy because you are all... here..."

And then suddenly, stopped looking happy.

"Bakit?" tanong ko, kunot ang noo, at mas tumindi ang pag-aalala.

"Wala si Erza?" dismayado niyang tanong.

Pinagmasdan niya ang mga bisita sa kanyang harapan. Iyong peste niyang pinsan na si Shou, iyong Miss President ng SC na si Ate Shinoa, si Gio, si Ace, si Shannon, si Iesha... at ako.

Kagat-labing nagsalita si Iesha.

"We tried calling her. Pero hindi niya sinasagot."

"Ngayon na nga lang tayo magkakasama kapag pasko at birthday mo, tapos hindi pa siya pupunta? Sus! Magsama sila ni Airi—"

Siniko ko si Shannon nang makitang nag-iiba na ang itsura ni Mana. Nagiging malungkot. Nahahaluan din ng iritasyon ang mga mata niya.

It's her birthday today! It's Christmas Day! Ayokong masira ang araw na ito dahil lang hindi pumunta ang isa niyang kaibigan!

I will make her forget that Airi and Erza! Even just for today! I will make her the happiest!

Isa-isa kaming napatikhim. Awkward man, pero nagawa namin ibalik ang saya sa mukha niya. We greeted her one by one.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Pasimple ko pang hinalikan ang tenga niya saka bumulong.

"Merry Christmas and Happy Birthday, baby ko. I love you."

I felt her sigh. She hugged me back, too, with the same tightness.

"Thank you. Merry Christmas, too. Uh... I want to talk to you later, August," she told me, sounded a little bit nervous.

Kinabahan din tuloy ako.

Kingina. Anong pag-uusapan namin?

Kumalat ang kaba sa sistema ko. I'm anxious! Hindi ko maenjoy iyong mga niluto niyang pagkain! Nakikitawa lang ako sa mga kalokohang pinag-uusapan sa hapagkainan! Sigurado akong parang constipated ang mukha ko habang nakikitawa!

Be the Delinquent's GirlWhere stories live. Discover now