Chapter 52: Agoraphobia

715 22 0
                                    

Chapter 52: Agoraphobia

---- -- ----


MANA LOUISSE TACHIBANA

"Sigurado ka ba talaga rito, Mana?"

I exhaled. Hinila ko ang kamay niyang may bahid pa ng pagkakabasa sa ulan at pinilit siyang umupo sa tabi ko, sa gilid ng kama. Sinulyapan ko ang sahig na nabasa dahil sa pagpasok namin. Nabasa na kami ng ulan bago pa ako isakay ni August sa tricycle.

"Ilang beses mo na akong tinanong niyan. Hindi kita yayayain kung hindi pa ako handa at sigurado," sabi ko pero hindi nagbago ang ekspresyon niya.

He looked unsure. He was nervous. He was flustered.

Tumayo siya, parang natatakot na nabasa niya ang kama ko. Tumingala ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Mana, kasi..."

"You don't want to do it with me?" I asked, my voice low and hurt.

Agad niyang sinalubong ang mga mata ko.

"I want to do it with you but I'm scared," he honestly said.

"Of what? What are you scared of?"

"Of hurting you. Baka... mawala ako sa sarili ko. Baka hindi ako makapag hold back. At saka si Tito."

Nakagat ko ang aking labi. May kaunting ngiting sumilay sa labi ko.

"Wala si Dad. Umalis. Wala ang sasakyan niya sa garahe. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta." I tugged his hand again. "It's okay, August. You will be the only man I want to love forever. Kung mawala man ang... alam mo na... hindi ko pagsisisihan kasi ikaw naman ang kumuha. And I really, really want to make love with you right now."

Nahigit niya ang kanyang hininga. Kita ko ang sobrang pamumula ng kanyang tenga at pisgi.

"Hindi naman ako nag-aalala kung nandiyan si Tito o wala. If we do it right now, it's like I'm stabbing him on the back."

Nawala ulit ang ngiti sa labi ko. Binitiwan ko ang kamay niya. Tumingin ako sa mga paa ko, magkasalubong ang kilay.

He spoke again, "Pero... kung gusto mo talaga..."

"Gustong-gusto ko talaga!" excited kong sabi, umangat ang paningin ulit sa kanya. "August, kung ayaw mo, hindi na kita pipilitin. Kung gagawin man natin ito, gusto ko parehas nating gusto. We both need it. Words are not enough, right? I want to show you how much you mean to me, how much I love you dearly."

Napalunok siya nang matindi. Hinilamos ang mukha gamit ang palad. Kinagat ang pang-ibabang labi. Lumunok ulit. His intense yet clouded eyes didn't leave mine.

Dahan-dahan ay umupo siya sa gilid ko. Sa nanginginig na kamay, hinawakan niya ang aking pisngi. I leaned toward his tender touch.

"This is my first time..." he admitted in a throaty voice.

"Me too."

His hand touching my cheek slowly traveled down to my uppert part of my dress. He pulled it down. Mas lalong nanginig ang kanyang kamay. Pinagmamasdan ko ang mukha niya kaya nakita ko kung paano na naman siyang natakot at nagdalawang isip. Beads of sweats started to form on his forehead.

Kaya bago pa siya umayaw at tanggihan ako, lumapit ako at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga pisngi. I kissed his cold and quivering lips.

"I love you so much," I said between my kisses. He froze and didn't kiss me back. Inilayo ko ang aking labi para tingnan siya. My heart sunk when I saw how he tried so hard not to cry in front of me. "You didn't want to do it with me so much you wanted to cry?"

Be the Delinquent's Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن