Kabanata 25

254 17 1
                                    

Kabanata 25

#MatutongMagtira

Kapag nagmahal ka, 'wag mong ibigay lahat sa kanya. Matuto kang magtira para sa sarili mo. Para kapag iniwan ka, at least, hindi may naiwan pa sa 'yo kahit kapiranggot lang. Magsimula ka sa tulong niyan.

Genos Kwon

KRYPTONIGHT: Dana, talk to me.

kryptonight: Hey.

kryptonight: Dana, please.

kryptonight: Hear me out.

kryptonight: Ayokong sabihin sa chat, Dana.

kryptonight: Saglit lang. Isang minuto lang. Sasabihin ko lang sa personal.

kryptonight: Dana.

Marahas kong hinagod ang buhok ko nang hindi man lamang nag-reply si Dana sa chat ko sa kanya. "Damn," mahinang usal ko. I knew it. I fucking knew Dana still have issues but I was impatient.

Having her near me, having her inside my arms... my control slipped.

I fucked up. Big time.

Lumabas ako sa balkonahe. Nandoon si Travis na abala sa cellphone nito.

"Lumabas ba si Dana?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. Hindi man lamang niya ako nilingon. Abalang-abala 'to doon sa Barbie na kaibigan ni Dana.

Ah, Dana.

Who would have thought that because of her, my dull life would become brighter?

Totoo ang sinabi ko kay Dana, na nang mapanood ko ang videos niya, para akong biglang hinatak sa palayo sa depresyon. Malaki ang naitulong sa akin ng panonood ng mga videos niya. Ilang beses ko bang nakikita ang sarili ko na halos padalhan siya ng mensahe para lamang magpasalamat? Pero nauunahan ako ng hiya.

Kaya nang manghingi ako ng kanta para i-cover at nang makita ang request ni Dana, walang pagdadalawang-isip na siya ang pinili ko.

Funny because I told her she was chosen randomly. If only she knew the truth.

I admit I was attracted to her from the start. Pretty, funny, easy-going, jolly. She was mature for her age, too. Pero mas nakilala ko siya nang magsimula kaming maging magka-chat. There was so much more to her than the image she was portraying online.

As time goes by, I fell for her.

Hindi ko inakala na ang isang tao pala, puwedeng mahulog sa isang taong nakilala lamang niya online. Ang akala ko noong una, imposible 'yon.

When I learned about the death of my mother, I was devastated. My once bright world had started to become dull again. Then Dana stretched out her hand to me.

I knew I could face this problem.

Nang makilala ko sa personal si Dana, doon ko nasabi sa sarili ko na, "Ah, mahal ko talaga 'tong babaeng 'to."

Gusto ko siyang ligawan. Gusto kong aminin sa kanya ang totoo. Pero nagpigil ako. Alam kong marami pang issues sa buhay si Dana. Alam kong marami pa siyang takot, marami pa siyang kailangang harapin bago ako.

So I stayed by her side, giving her all the support she needed. I watched at the sidelines while she tried to find her place in the world.

It was hard but it was worth it.

Dana told me about her ex-boyfriend Jay and about his father. Hindi naman mahirap isipin na nang dahil sa dalawang lalaking nanakit sa kanya, may takot na siyang magmahal muli. Sabi ko sa sarili ko, dapat akong maghintay hanggang sa maging handa na siya.

So why the fuck did I kissed her when she wasn't ready yet?

"Nababaliw ka na," ang tinig na iyon ni Travis ang pumukaw sa pag-iisip ko.

Hindi ko namalayang halos sabunutan ko na pala ang sarili ko. I placed my hands on my lap. "Hindi kasi ako kinakausap pa rin ni Dana."

"Oh."

"Damn. Kung kailan malapit na akong umalis."

"Sa tingin mo, hindi ba't ayos na rin 'yang nangyayari ngayon sa inyo?"

Kunot ang noong napatingin ako kay Travis. "Bakit?"

"Uuwi ka na sa South Korea. Iiwan mo na si Dana. Sa tingin mo ba, kaya niyo ang long distance relationship kapag nagkataon na parehas kayo ng nararamdaman sa isa't isa?"

Hindi ako nakasagot.

"Pero mas maganda rin siguro na linawin mo na ang lahat kay Dana. Para kung masaktan ka man, isang sakitan na lang."

"Hah?"

Nagkibit ng balikat si Travis. "Para kapag umalis ka, wala kang pagsisisi o mga tanong sa isip mo. Alam mo, Genos, ang pagmamahal ay parang math question. Isa lang ang formula pero iba-iba ang naging sagot kasi hindi muna siniguro kung tama ba ang interpretation mo."

Napatayo na lang ako. Matutuyuan ako ng dugo d'yan kay Travis. Hindi ko alam kung may sense ba ang mga sinasabi niya dahil hindi ko maintindihan.

Bumalik na lang ako sa silid ko. Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala pa ring reply si Dana.

kryptonight: Let me explain everything, Dana. Please.

Minutes passed by before I received a reply from Dana. Mabilis ang tibok ng puso na binuksan ko ang chat box namin. Parang may kamay na bakal ang pumisil sa puso ko sa nabasa.

DeeoneandonlyDana: I'm sorry.

Fuck. Now what, Genos?

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now