Kabanata 15

280 19 1
                                    

Kabanata 15

KRYPTONIGHT: Tulog ka na?

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-flash iyon. Ang mensaheng iyon galing kay Genos mula sa Checklist site ang nabasa ko.

DeeoneandonlyDana: Oo. Tulog na tulog na.

kryptonight: Hahaha. Punta ka sa balkonahe.

DeeoneandonlyDana: Ito na ba 'yong puntong papatayin mo ako, stalker?

kryptonight: Punto? What a word. Haha. At anong stalker? Ako?

DeeoneandonlyDana: Oo! Stalker ka! Talagang hinanap mo pa ako, ha. At kinaibigan mo pa si Travis para mapalapit sa akin. Grabe ka, Genos. Hokage ka!

kryptonight: What? Hokage?

DeeoneandonlyDana: Hmp!

kryptonight: For your information and peace of mind, hindi ako stalker. Hindi ko nga alam na magkakilala kayo ni Travis at ikaw 'yong weirdo na palagi niyang kinukuwento sa akin.

DeeoneandonlyDana: Paano kayo nagkakilala?

kryptonight: Labas ka muna.

Napatingin ako sa orasan. Fine.

Pagkapunta ko sa balkonahe, nakita ko namang natayo si Genos sa may balkonahe sa bahay ni Travis. Umupo ako habang siya ay nanatiling nakatayo at nakatingala sa kalangitan. Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"So?" putol ko sa katahimikan.

Binalingan niya ako. I almost sucked a breath when our eyes met. His eyes were probably one of the most expressive eyes I have ever since.

"Mas maganda ka pala sa personal."

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. It wasn't the first time someone told me I was pretty. Sa university, may mga manliligaw ako at ilang ulit nila akong binobola. Pero ito ang unang beses na affected ako ng ganito.

"E-ewan ko sa 'yo. 'Wag mo akong inuuto, ha. Hindi ko pa nakakalimutan 'yong pangako mong hindi mo tinupad."

He crossed his arms. Pinagtaasan niya ako ng kilay saka tumango. "Nako-conscious ka?"

Pinandilatan ko si Genos. "As if!"

He chuckled. "This is nice," biglang aniya.

Nangunot ang noo ko. "Alin?"

Inilahad niya ang palad sa gawi ko. "Eto, 'yong magkausap tayo ng ganito. Hindi 'yong may nakaharang na screen sa pagitan natin, hindi 'yong magkalayong agwat."

Yes. I agree with him. This was really nice. Tumango lamang ako.

"Nakilala ko si Travis noong huling uwi ko dito sa Pilipinas. I think that was ten years ago. I was vising my mother. My mother was a Filipina. During those visits, I met Travis and we became friends. We contacted each other through SNS when I went back to Korea."

"Ah. I see."

"Kaya hindi kita ini-stalk," pang-aasar niya.

Inirapan ko naman si Genos. Pero kaagad din akong natigilan nang may maalala sa sinabi nito. "Was?" mahinang tanong ko.

Napabuntong-hininga si Genos. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mukha niya.

"My mother died. Uwumi ako dito sa Pilipinas para sa libing niya."

"Condolence, Genos."

"Thanks."

Walang nagsalita sa aming dalawa. Parehas naming itinutok ang pansin sa pagtitig sa kalangitan.

"Matulog ka na," biglang wika ni Genos.

Napatingin ako sa kanya. May maliit na ngiti sa labi niya. Despite the sadness she caught in his eyes, she knew his smile was real.

"Nangangalumata ka. May pasok ka ba bukas?" tanong niya sa akin.

"Yeah."

"Anong oras?"

"Seven."

"Hatid na kita."

"Ha?!"

"Matulog ka na."

"Genos—"

"Pasok na, Dana," utos niya.

"Fine." Nasa may glass door na ako nang nilingon kong muli si Genos. Nagtama ang paningin naming dalawa. Nakasunod yata ang tingin niya sa akin. Umangat ang kanang kilay niya.

"What?"

"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Good night." Hindi ko na hinintay ang tugon niya at dali-dali akong pumasok sa loob.

Padapa akong humiga sa kama ko. Hanggang sa panaginip ko, nakasunod sa akin si Genos.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now