Kabanata 17

268 19 1
                                    

Kabanata 17

"PUMAYAG si Crane. Hindi 'yon makakatanggi. Idol ka no'n, eh," wika ko kay Genos habang papasok kami sa silid ni Crane.

Nagpaalam ako kanina kay Crane na hihiramin namin 'yong microphone at gitara niya. Magre-record kasi kami ng kanta ni Genos. Nanghihinayang nga si Crane dahil may pasok siya ngayon, gusto raw niyang mapanood ng live kumanta ang idol niya. Sorry na lang siya.

Binitbit ni Genos ang gitara ni Crane habang ako ang nagbitbit sa microphone. Pumunta kami sa silid ko. Hinayaan kong si Genos ang mag-assemble dahil wala akong alam sa ganyan. Microphone nga lang ng laptop gamit ko, eh.

He strummed the guitar while I was booting my laptop. Pasimple kong tiningnan si Genos sa sulok ng aking mga mata. He looked so cool and at ease right now.

"Ano'ng kakantahin natin?" tanong niya.

Dagli kong iniwas ang paningin sa kanya bago pa man niya mahuling nakatitig ako ulit sa kanya. Mahirap na. Tatadtarin na naman niya ako ng pang-aalaska.

"Two Steps Behind," sagot ko saka idinugtong, "Alam mo ba 'yon?"

Tumango-tango si Genos saka nag-hum. I-in-strum niya muli ang gitara. "Walk away if you want to." Huminto siya. "Iyon 'yon, di ba?"

Napanganga ako. His voice was ten times better on live than on screen. Shocks. Hindi ako prepared.

"Natulala ka na naman. Sabagay, sanay na ako, Dana," natatawang aniya. Itinakip niya ang palad sa bibig pero base sa pagkakabanat ng pisngi niya, alam kong nakangisi siya.

Pinalobo ko ang mga pisngi ko saka siya inirapan. "Ewan ko sa 'yo. Saksak mo sa baga mo 'yang ego mong malaki."

Natatawang hinawakan niya ako sa aking bisig saka hinila paupo sa tabi niya. May space pa sa pagitan naming dalawa pero na-tense pa rin ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Even with my ex-boyfriend, Jay, I wasn't able to feel this kind of awareness by just the nearness of him.

"O, earphones," aniya sa akin. Siya pa mismo ang nagsuot ng earphone sa kaliwang tainga ko. Isinuot naman niya sa kanan niyang tainga ang kapares niyon.

Hinayaan ko na si Genos na mag-ayos ng sounds, mic, at camera. I was silently looking at him. Looking at him right now, it seemed as if he was in his element.

"You should audition to be a singer," wala sa loob na wika ko.

Gulat na napatingin sa akin si Genos. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Ako?"

"Ay, hindi. Siya, siya. Sino ba kasama ko rito? Ikaw lang naman, di ba?"

Tumawa siya saka napakamot ng batok. "Marami pa akong kakaining bigas, Dana."

"So? Kaya nga may workshop na tinatawag. You have the talent and the passion. I think you'll go far with it," sinserong saad ko.

Hindi kumibo si Genos. Nanatili siyang nakatitig sa akin dahilan nang pagka-conscious ko. Kung tingnan niya kasi ako, para bang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ako talaga.

"W-what?" tanong ko.

Umiling siya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Genos kapagkuwan ay marahan pinisil ang pisngi ko. "Pag-iisipan ko."

"Kapag sikat ka na, 'wag mo akong kalilimutan, ha?" pang-aasar ko.

Tumawa siya. I love hearing his laughter. Para bang gusto ko na rin tumawa at sabayan siya.

Nasa pagitan namin ni Genos ang mic ni Crane. Napatingin ako sa screen ng laptop ko. Inayos ko ang buhok ko saka kumindat.

"Naka-record 'yan," natatawang wika sa akin ni Genos.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Burahin mo. Ulitin natin. Hindi ako prepared."

"Bahala ka."

Tinampal ko siya sa braso pero hindi niya iyon alintana. "Genos, isa!"

"Hindi ako takot sa 'yo, Dana." Humarap na sa camera si Genos. Kumaway siya habang tutok ang pansin sa camera. "Hi. Kryptonight here. This will be the first time that I'll be doing this—showing my face to all my followers and having a duet with someone. You know her as DeeoneandonlyDana."

Inirapan ko si Genos saka humalukipkip. Kapagkuwan ay bumaling na rin ako sa camera. I smiled cutely at the camera before waving. "Hi. I'm Dee. So, this guy right here is kryptonight. Bago kayo magtanong, nope, hindi kami mag-dyowa, mag-on, o kung ano pa. We're just friends. Right?"

Hindi sumagot si Genos. Ngumisi lang siya saka nagkibit ng balikat. Pinandilatan ko si Genos pero hindi siya natinag. Tumingin ako ulit sa camera saka napangiwi.

"Alien si kryptonight. Hindi nakakaintindi ng Tagalog. Anyway, we've decided to make a collaboration song. This one is for—"

"For my special weirdo friend, Dana. And she'll also dedicate her part to me," putol ni Genos sa sasabihin ko.

Bago pa man ako makatutol ay nag-strum na siya gamit ang gitara. Kasabay niyon ay pumailanlang sa tainga ko ang instrumental ng kantang Two Steps Behind.

Genos' stare was fixed in the guitar when he suddenly looked at me. His gaze was piercing through my soul that even though I wanted to look away, I could not move my gaze away from him.

It was as if I was in a trance.

"Walk away if you want to. It's okay, if you need to..."

I found myself being pulled into him. "You can run, but you can never hide from the shadow that's creeping up beside you..."

Habang kumakanta, parehas kaming nakatitig sa isa't isa. Our voice was blending I'm not shy to admit it was good. Ang ganda sa pandinig.

A soft smile was present on Genos' lips as he sang his part. "I'll be two steps behind..."

When the last strum of guitar filled the air, I was still looking at Genos with awe. I couldn't believe I could produce a sound like this.

"That was..." hindi ko mahanap ang tamang salita para i-describe ang duet namin ni Genos.

Biglang ipinatong ni Genos ang braso sa balikat ko at hinapit ako padikit sa katawan niya. "That was great, Dee! We should do this again," sunod-sunod na aniya.

Nanatili akong nakatitig kay Genos. Parang biglang nawalan ng silbi ang voice box ko. Natauhan lang ako nang inalis na niya ang braso sa balikat ko at pinatay ang camera.

Napalunok ako. When he suddenly took his arm off on my shoulder, there was this sudden emptiness I felt.

Say whut?

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon