Kabanata 22

257 20 1
                                    

Kabanata 22

#HuwagMatakot

'Wag kang matakot magmahal muli. Kung nasaktan ka man sa una, malay mo sa pangalawa, masaktan ka na naman. Tanga!

I WAS afraid to fall in love. Totoo 'yan. I tried once, with Jay. Nasaktan lang ako. Tanga na lang ang taong susubukan pa gayong ilang beses nang napaso.

Pero hindi ko mapigilan 'to. Siguro nga hindi ako weirdo, tanga lang.

"I'm home," pagbati ko pagpasok ko sa bahay. Naputol ang pagngiti ko nang makita ang lalaking nakaupo sa may sofa kasama ni mama. "Ano'ng ginagawa mo rito?!"

Tumayo ang papa ko. Bahagyang nakaangat ang mga kamay niya na tila ba pina-pacify ako. "Dana, anak, gusto ko lang makausap kayo ni Crane—"

"Gusto mo, puro na lang gusto mo! Paano naman 'yong gusto namin? Gusto naming hindi ka na bumalik! Gusto naming doon ka na lang sa pinalit mo sa 'min! Nakaya namin ng dalawang taon na wala ka. Pero selfish ka, eh. Ang gusto mo, sarili mo lang ang masusunod. Ang gusto mo, laging ikaw. Kapag wala ka nang pakinabang, iiwan mo. Ganyan ka, eh. D'yan ka magaling!" sikmat ko sa kanya. Halos malasahan ko na ang pait sa tinig ko. Hiningal pa ako dahil sa labis na galit, sakit, at hinanakit.

"Dana! Sumosobra ka na!" sita sa akin ni mama.

Hindi ko mapigilang maghihinakit din kay mama. Binalingan ko siya habang may mapait na ngiti sa mga labi. "Ang unfair lang, ma. Palagi na lang si papa ang kinakampihan mo. Fine. Magsama kayo. I'm done. Bahala na po kayo. Nakakasawa na rin po."

Narinig ko ang pagsigaw nilang dalawa sa pangalan ko pero hindi ako nagpatinag. Tumakbo ako palabas ng bahay at hinayaan ang mga paa ko kung saan ako nito dadalhin.

Hinayaan ko ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko rin naman gustong maging matigas. Ilang beses ko bang hiniling noon sa Diyos na sana mabuo pa ang pamilya namin? But time could make a person cynic and bitter.

Habang tumatagal, kinain ako ng galit. Hindi ko na kaya, eh.

I could not understand how a person who had been hurt so much could easily forgive the person who hurt them. Bakit? Bakit? Bakit?

Mahal ko si papa pero bakit hindi ko magawang patawarin siya? Bakit si mama nagawa? Ganoon ba ako katigas?

Napahugot ako ng hangin saka pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Nasa may parke ako sa subdivision din mismo. Umupo ako sa may swing saka tumingala sa kalangitan.

Itinaas ko ang isang palad na tila ba may inaabot sa langit. "What if I suddenly disappear?" mahinang ani ko sa sarili ko.

"Hahanapin kita."

Mula sa pagkakataas ng kamay ay sinapo ko ang dibdib sa labis sa gulat. Binalingan ko ang pinagmulan ng tinig. Nakatayo sa harapan ko si Genos at tila hinihingal pa.

"Genos?"

"Sinabi sa 'kin ni tita ang nangyari," aniya. Umupo siya sa katabing swing nang inuupuan ko. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. Tumingala si Genos sa kalangitan. "Kakaunti ang bituin," mahinang aniya.

"Bakit nandito ka?"

Nagkibit siya ng balikat bago ako nilingon. "I'm worried."

Umismid ako. Pero maya-maya rin ay napabuga ako ng hangin. "Sorry. Bad mood lang ako. Hindi ko gustong idamay ka."

He hummed. "Ano'ng nangyari?"

"Same. Dumating si papa, pinapasok ni mama, umakto silang parang walang nangyari, nagalit ako, kinampihan ni mama si papa, umalis ako." Natawa ako ng bahaw. "Hindi ko lang maisip kung bakit, Genos. Kami 'tong umalalay kay mama nung iniwan kami ni papa. Kami 'tong kasama niya pero sa huli, si papa pa rin ang pipiliin niya." Marahas kong pinahid ang pisngi ko pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha roon. "Naisip ko na minsan, naiisip kaya ni mama na sana, kami na lang ang wala ni Crane, makasama lang niya si papa? Mas mahal niya, eh. Mas kailangan niya si papa."

Nakarinig ako ng kaluskos. Tumayo pala si Genos. Lumuhod siya sa harapan ko at ikinulong ang mukha ko sa magkabila niyang palad. Masuyo niyang pinahid ang luha sa pisngi ko.

"Papaano mo malalaman kung ayaw mong makinig?"

"Kinakampihan mo rin sila."

"Wala akong kinakampihan, Dana. Kung may kakampihan man ako, syempre ikaw 'yon."

Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatitig kay Genos. Napabuntong-hininga siya habang nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

"Gusto mo bang makarinig ng kuwento?"

Napakunot ang noo ko sa out-of-the-world na entrada ni Genos. Naguguluhang tumango ako.

Mula sa pisngi ko ay dumausdos pababa ang mga palad ni Genos hanggang sa ginagap niya ang mga palad ko. Nag-indian seat siya sa harapan ko saka masuyong pinisil ang kamay ko.

"May isang lalaki na sanay mag-isa. Walang oras sa kanya ang papa niya. Simula nang maghiwalay ang mga magulang niya, lumaki siyang mag-isa. Kasama niya ang papa niya pero parang mag-isa pa rin siya dahil walang oras sa kanya ang papa niya. Ang kasa-kasama niya noong panahong nag-iisa siya ay ang gitara niya. Music became his companion. All his life, he was alone. Wala siyang kaibigan dahil nasanay siyang mag-isa. Then he made an account in a website called Checklist. Best decision ever." Ngumiti si Genos kasabay nang muli niyang pagpisil sa mga palad ko.

"Genos—"

"Nakahanap siya ng mga taong nagugustuhan ang musika niya. Hanggang sa may napanood siyang video. It was a girl who seemed like she doesn't have any problems. Para bang walang inaalala 'yong babae. Nakaramdam siya ng inggit. Hanggang sa hindi niya namamalayang pinapanood na niya lahat ng videos nang babaeng iyon, hinihintay na niya ang mga susunod pang videos. Her smile was addicting. Her smile was his salvation. It felt like he wasn't alone anymore as long as he could see his smile. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makausap niya 'yong babae. One of the best moments of his life."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko kung kaninong kuwento ang binabanggit niya.

"Nakilala niya ng lubos 'yong babae. Naging kaibigan. Nakalapit. He learned later on that despite the smiles, the girl bore a scar inside her heart. He was in awe at her. Sa kabila ng problema, papaano niyang nagagawang ngumiti ng ganoon? Whenever she was talking about her family, he could hear the happiness in her tone, the longing, the sadness."

"Genos, stop it," mahinang wika ko pero hindi nagpapigil si Genos.

Ngumiti siya pero sa mga mata niya, may halu-halong emosyon na hindi ko mapangalanan.

"Dahil sa babaeng iyon, dahil sa pagmamahal na mayroon siya para sa pamilya niya, parang natuhan bigla 'yong lalaki. Ano'ng ginagawa niya sa buhay niya? Instead of trying to reach out to his father, hinayaan niyang lumaki ang gap sa pagitan nila. This girl made him realize that family is important."

"Tama na."

"After that, the boy talked to his father. All this time, his father doesn't know how to reach out to him. His father doesn't hate him. His father loves him. Wala lang communication. Slowly, they tried to patch things up."

"Please, tama na."

"That happened because of you, Dana."

Napayuko ako kasabay nang pag-alpas ng hikbi sa mga labi ko.

"You changed my life. You helped me a lot. Hindi mo alam pero dahil sa ngiti mo, dahil sa 'yo mismo, nabago mo ang buhay ko. All my life, I've been okay with being alone. But when I saw you, I realized my way of living isn't living at all. Ikaw ang tumulong sa akin, Dana. You don't know how through your smile, a life was changed in a good way. Kaya ngayon, gusto kong tulungan ka. Ibabalik ko sa 'yo ang ginawa mo sa akin. Don't turn away from your problems. Face it. Conquer it. Fight it. I'm here with you."

Umiiyak na bigla kong niyakap si Genos. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing dahil marahil sa labis na gulat sa ginawa ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg saka umiyak ng umiyak. Hinayaan naman ako ni Genos. Wala siyang sinabi pa bagkus ay hinigpitan niya lamang ang pagkakayakap sa akin.

But his hug was enough for me.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now