Simula

1.1K 32 3
                                    

Simula

#WorthIt

Hindi lahat ng hinihintay, worth it. Pero ikaw, super worth it.

SABI nila, may mga taong worth it; worth it mahalin, worth it hintayin, worth it intindihin. Totoo naman 'yon. Kasabay din niyon ay 'yong mga taong hindi worth it. Minsan kasi, kahihintay mo, kamamahal mo, kaiintindi mo, hindi mo alam, nagmumukha ka nang tanga.

Naghihintay ka tapos hindi na pala siya babalik. What was the use of waiting? Nasasaktan ka na nga, mukha ka pang tanga. Para ka lang nag-abang ng pesteng bus pa-Cubao pero ang sasakyan mo naman dapat ay pa-Monumento. Nagsayang ka na ng oras, wala ka pang napala. Kinalabasan? Ayon, mukhang tanga.

If the waiting was getting nowhere, stop. If it wasn't making sense anymore, stop. There was nothing wrong with waiting; as long as you know when to stop doing it. Wait for him to come back but you have to draw the line. Until when are you going to wait for him?

Ang LRT ride, may limit kung hanggang ano'ng oras lamang tatakbo. Kapag nakita mong lagpas ka na sa takdang oras, maghihintay ka pa ba ng next ride? Di ba, hindi na? Kasi alam mong wala nang darating. Bakit mo pagmumukhaing tanga ang sarili mo? Hanggang kailan ka maghihintay? Kapag wala ka na pa lang hinihintay, bitawan mo na.

Habang mas maaga, mas okay. Para makahanap ka pa ng ibang masasakyan.

Parang love.

Minsan kasi, habang nakakapit tayo sa isang tao, hindi natin namamalayan na nalalagpasan na natin 'yong taong naghihintay sa 'tin na kapitan natin. Without us knowing na siya na pala 'yong dapat.

May sense ba? Wala.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ba sinasabi 'tong mga 'to. Saan ko ba nahuhugot 'to? Sa atay ko? Siguro.

Sige na nga. Aamin na ako. Minsan sa buhay ko, nagmahal na rin ako. Iyong mahal na halos binigay ko na lahat pati laman ng bulsa ko. Nagpakatanga ako. Ginawa ko siyang araw, iyong sa kanya lang umiikot ang mundo ko.

Looking back, napapangiwi na lang ako. Nagtapos ako sa high school na may honor pero nang magmahal ako, ayon, na-blangko. Kaya nangako ako sa sarili kong hindi ko na uulitin 'yon. Lalo na kung hindi naman worth it iyong pagbibigyan ko ng puso ko. Naks.

I know my worth as a girl. Syempre I won't settle for less. Saka hindi rin ako manghihingi kay Lord ng alam kong hindi naman sakto sa 'kin. Hindi ako 'yong sobrang ganda kaya bakit ako manghihingi kay Lord ng sobrang guwapo? Lugi naman siya. Pero kung ang ibibigay sa 'kin ni Lord eh sobrang guwapo, hello? Bakit ko tatanggihan? Biyaya na, eh.

Pero for now, I'm happy being single. I'm only eighteen years old. I'm enjoying my college life. Aral-aral, crush-crush, inom ng kape, kain ng fries na sinawsaw sa vanilla ice cream, nood ng movie with friends, bonding with my mother and brother... ganyan muna. Stress-free life. Ang iniisip ko lang eh kung papasa ba ako sa exams ko.

Until he came, and this might sound so stupid but... he came in like a wrecking ball. Iyong stress-free life ko, naging kilig-overload life. Syempre, ano ba ang kasama ng kilig?

Heartaches.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon