Kabanata 24

243 17 1
                                    

Kabanata 24

"HANGGANG kailan ka rito, Genos?"

"Hmm? Pinapaalis mo na ako kaagad?"

Inirapan ko siya bago muling itinutok ang paningin ko sa laptop. Nandito kami sa balkonahe ng bahay namin at nagpapalipas ng oras. Abala ako sa pagre-reply sa mga messages sa Checklist ko. Simula kasi noong labas kami ng labas ni Genos, nawalan ako ng oras para magbukas ng account sa Checklist. I missed so many messages, mentions, and tags! Argh. Kasalanan 'to ni Genos. Masyado niyang kinain ang oras ko.

Pero sa totoo lang, sinusulit ko na rin 'tong mga sandaling magkasama kami. Kasi alam kong hindi naman 'to permanente. Sooner or later, he would leave this place.

"Bahala ka sa buhay mo."

Natatawang inakbayan ako ni Genos. "Ayaw mo na ba akong umalis?"

Tiningnan ko siya, partikular ang mga mata niya. Nandoon na naman ang mga emosyong hindi ko mapangalanan. Beg? Was he begging? For what?

"Genos?" nagtatakang tanong ko nang bahagyang humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin.

Umiling siya saka ngumiti. Pero napansin kong hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti niya. "Si Travis, palaging umaalis ng bahay," pag-iiba niya ng usapan.

"Baka kasama si Barbie."

"Sinong Barbie?"

"Kaibigan ko. Parehas silang weird ni Travis kaya nag-click."

"Ah." Hinimas-himas ni Genos ang baba niya. "Birds of the same feather. Kaya pala weirdo ka rin."

"Kaysa naman alien. Mabaho ako, Dana." Natawa ako nang maalala ang ginawa kong panti-trip sa kanya noon. How time flies. Parang kailan lang, stranger pa kami sa isa't isa. Ngayon, mahal ko na siya.

From being strangers, to being friends, next should be lovers but it was impossible.

"Sabi mo naman, nakakabuntis ang boses ko," ganting pang-aasar niya.

I puffed my cheeks in annoyance. "Maganda kasi boses mo, okay?"

"Fan talaga kita. Ikaw ang presidente ng fan's club ko kapag nagkataon, ha?"

"Asa ka."

Mahinang kinurot ni Genos ang pisngi ko. Bago pa man ako makaangil ay idinikit niya ang kanyang noo sa noo ko.

"Thank you, Dana."

"Para saan?"

"Sa totoo lang, natatakot akong umuwi dito sa Pinas dahil ang haharap sa akin ay ang katotohanang wala na si mama. But being with you helped me a lot. Ikaw talaga ang gamot ko, eh. Ikaw ang biogesic ng sikmura ko."

Natawa ako. "Ano?"

"Ikaw ang flanax ng buto ko. Ikaw ang medicol ng ulo ko. Ikaw ang bioflu—"

Tumatawang itinakip ko ang palad ko sa bibig ni Genos. "Tama na. Ang corny na, hindi nakakatawa." His chinky eyes were almost non-existent, meaning, he was smirking. Nanlaki ang mga mata ko nang may naramdamang dumila sa palad ko.

Kaagad kong inalis ang pagkakatakip sa bibig niya. "Yuck! Kadiri ka, Genos! Bakit pinapasa mo sa akin ang germs mo!"

"Hindi pala nakakatawa pero tawa ka ng tawa sa jokes ko."

"Nakakaawa ka kasi, baka maiyak ka."

Itinutok na namin ang pansin sa laptop. Dahil nakikibasa rin sa newsfeed si Genos, halos magpalit na kami ng mukha. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit na ang pisngi namin.

Pinagmasdan ko siya sa sulok ng mga mata ko. Isa siguro sa mga hindi ko pagsasawaang gawin ay ang tingnan siya.

"Tingnan mo 'tong si theunderjoker, dumidiga kay purplehairedgirl," wika ni Genos.

Binalingan ko ang tinuro niya. May post kasi si theunderjoker na naka-tag si Umi. Sa pagkakatanda ko, crush ni Umi si theunderjoker.

"'Sus. Ikaw nga, may pa-Checklist crush ka pang nalalaman, eh," pang-aasar ko sa kanya.

"Mahilig kasi ako sa bunny."

"Tse! Ginawa mo pa akong kuneho!"

"Mukha ka naman kasi talagang kuneho."

Nilingon ko si Genos. Hindi na ako nakapagsalita. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit na ang ilong naming dalawa. His breath was fanning over my face it was making my skin tingle.

"Dana..."

Mula sa mga mata ko ay bumaba papunta sa mga labi ko ang tingin ni Genos. Unti-unting bumaba ang mukha niya hanggang sa dumaiti ang labi niya sa labi ko.

When I felt his soft lips against mine, I felt complete—and I wasn't even incomplete to begin with.

Saglit lamang na nagdikit ang mga labi namin pero pakiramdam ko, oras na ang lumipas. Nanatili akong nakatitig kay Genos.

"Dana, I—"

Natauhan ako nang marinig ang tinig niya. Wala sa sariling itinulak ko siya palayo. Isinara ko ang laptop saka kaagad na tumayo.

"Dana—"

"Gusto kong mapag-isa, Genos," wika ko na hindi tumitingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya.

Lumayo ako kay Genos. Natatakot akong marinig nito ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot akong marinig nito ang sinisigaw ng puso ko.

"Dana, let's talk."

"Iwan mo muna ako, Genos. Please."

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin kasunod ng yabag niya. I could see his shadow near me. Huminto siya saglit sa tapat ko bago tuluyang bumaba.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Kinapa ko ang labi ko. It was just a peck but it was still a kiss. My first kiss. Para bang ramdam ko pa rin ang init ng labi ni Genos.

I could still feel it.

I could still feel him.

All of him.

I want him.

I love him.

All of him.

But we can't.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now