Kabanata 14

277 19 4
                                    

Kabanata 14

"HINDI mo kailangang ibigay lahat ng suweldo mo, Dana."

Iwinasiwas ko lang ang palad ko sa sinabing iyon ni mama. Nang akmang ibabalik niya sa akin ang binigay kong pera ay pinigilan ko siya.

"Ayos lang po, ma. Wala naman akong pinagkakagastusan. Pandagdag sa tuition namin 'yan ni Crane," wika ko.

Napabuga siya ng hangin bago masuyong ginulo ang buhok ko. "Salamat, anak. At pasensya na talaga."

"Wala 'yon, ma. Maliit na bagay," ani ko saka ngumiti.

Imbes na dumiretso sa aking silid pagkatapos, sa may balkonahe sa ikalawang palapag ng bahay namin ako pumunta. Humiga ako sa mahabang upuan doon gawa sa rattan saka tumitig sa kalangitan. Bihira akoong makakita ng maraming bituin. Pero ang buwan, bilog na bilog ngayon.

Itinapat ko ang cellphone ko sa aking mukha at binuksan ang Checklist site. Paasang Genos. Apat na araw na siyang hindi nag-o-online. May pa-pinky swear-pinky swear pa siyang nalalaman.

"Dana!"

Napaupo ako nang marinig ang sigaw na iyon ni Travis. Dumukwang ako sa pasimano saka siya tiningnan. Nakatayo si Travis sa tapat ng bahay niya at kumakaway sa kanya.

"Bakit?" tanong ko. Saka ko lamang napansin na may kasama siya. Naka-cap ang kasama niya, may suot na jacket at shades, at maong pants. Sa paanan ay isang may kalakihang maleta.

"Baba ka rito. Dali. Papakilala kita sa best friend ko."

Muntik ko nang mahilamos sa mukha ang palad ko. Sinabihan akong weirdo ni Genos, papaano pa kaya kapag nakilala nito si Travis?

"Fine. Saglit lang."

Bumaba na ako. Nakasalubong ko pa si Crane na paakyat naman na sa silid niya.

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas. May ipapakilala raw sa 'kin si Travis," sagot ko.

"Ah. Sama ako."

Natatawang pinitik ko siya sa noo. "'Wag na. Matulog ka na. Nangangalumata ka na rin, Crane."

Sumimangot lang siya saka nagpatuloy na sa pagpanhik. Lumabas na ako ng bahay at pumunta kina Travis. Nandoon pa rin ang lalaki sa tapat ng gate ng bahay nito kasama ang lalaking naka-cap.

"Weirdo ka talaga, Travis," saad ko nang makalapit sa kanya.

"Mas weirdo ka," wika ng lalaking kasama nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Inalis niya ang suot niyang shades at cap. The face that she had only seen in the screen of her laptop was now standing in front of her.

It was Genos. In. The. Flesh.

"G-genos?"

"It's nice to finally meet you in the flesh, Dana," nakangising aniya sa akin.

"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Travis pero walang pumansin sa kanya. Ako kasi, gulat pa ring nakatitig kay Genos habang si Genos... well, nakatingin naman siya sa akin.

"W-what... Anong ginagawa mo rito?"

Isinuksok niya ang magkabilang palad sa bulsa ng suot niyang pants saka nagkibit ng balikat. "May inaasikaso. Hindi ko alam na ikaw pala 'yong tinutukoy ni Travis na kapit-bahay niyang weirdo," natatawang aniya.

Naniningkit ang mga matang binalingan ko si Travis. "Ako pa ang weirdo?! Nakakahiya naman sa 'yo!" sikmat ko sa kanya.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Travis. "What? Weirdo ka naman talaga. Kahit si Barbie, weirdo ang tawag sa 'yo."

Napaungol ako. "Kung weirdo ako, mas weirdo kayo ni Barbie! Kayo ang Weirdo Couple!"

Unti-unting ngumisi si Travis habang tumatango. "Puwede."

Napa-facepalm ako kasabay nang pagtawa ni Genos. Saka ko siya ulit binalingan. Mataman kong pinagmasdan si Genos. He was tall. Halos lagpas lamang ako ng kaunti sa balikat niya. Kung guwapo ito sa screen, mas guwapo ito sa personal.

"Ano, tutunawin mo na naman ako sa titig mo, Dana?"

Napakurap ako saka siya inismiran. "Ewan ko sa 'yo. D'yan na nga kayo. Parehas weirdo. Ay, hindi. Alien ka pala, Genos."

"Weirdo ka pa rin."

"Leche!"

Nakasunod pa rin ang halakhak ni Genos maski nang makapasok ako sa bahay. Napasandal ako sa pinto saka sinapo ang aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan. Excitement ba 'tong nararamdaman ko?

But still... Genos was here. I was actually talking to him face to face.

He was real.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now