Kabanata 10

289 18 0
                                    

Kabanata 10

#Paghawak

Huwag mo nang balakin pang humawak sa kamay ng iba kapag may hawak ka nang iba. Katulad din nang pagbitaw mo sa isang kamay dahil lang gusto mong kumapit sa iba.

"MINSAN, mag-duet tayo," bungad ni Genos nang in-accept kong muli ang tawag niya.

Napahinto ako sa pagsusuklay nang marinig ang sinabi niya. "Duet? Tayo?"

"Oo. O kaya, ikaw ang kakanta tapos ako ang maggigitara."

"Ako ang kakanta? Ikaw maggigitara?"

"Kailangan inuulit, Dana? Parrot ka?"

Inirapan ko ang screen ng laptop ko na para bang si Genos 'yon. "Nagulat lang ako sa suggestion mo."

"Ano? Gusto mo?"

"Puwede rin. Si Crane lang naman lagi kong ka-duet, eh. Kaya lang baka ma-bash akong lalo," pagbibiro ko.

Natahimik si Genos. Napakunot naman ang noo ko nang ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin tugon mula sa lalaki.

"Genos?"

"You are right. Ayoko namang ma-bash ka ulit."

Natawa ako. Sineryoso pala niya 'yon. Ever since we became friends, we would always tag each other in our Checklist posts. Simula no'n, aaminin ko na dumoble ang bashers at haters ko. Pero ayos lang. Ang kapalit naman ay ang pagiging kaibigan ni Genos.

"Joke lang. Sige, duet tayo next time."

"Sigurado ka?"

"Oo nga."

"Great!" excited na aniya.

Nag-scroll ako sa Checklist newsfeed habang kausap si Genos. "Genos! Kilala mo ba si Eos?"

Genos grunted. "Yeah. Bakit?"

"Feeling ko si Umi ang pinapatamaan niya sa mga posts niya ngayon. May gusto yata siya kay Umi," wika ko.

"Oh."

"Pero sa tingin ko hindi magwo-work kapag ganyan."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Iyong relationship na sa chat nagsimula. Malaki ang porsiyento na hindi rin magtatagal. Long distance relationship na nga, hindi ka pa siguro kung totoo ba 'yong kausap mo o poser lang. 'Di ba?"

He hmm'ed. "So kapag may nanligaw sa 'yo na ganyan, hindi ka papayag?"

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Teka, bakit bigla akong nag-alinlangan?

I have nothing against online romance or long distance relationship. Siguro medyo diskumpyado lang ako. Iyong ilang relasyon nga na nagsimula sa totoong ligawan—iyong face to face, with dates—nagfe-fail, ito pa kayang sa chat lang nagsimula?

"Ewan ko. Depende. Kapag halatang poser, syempre tatanggi ako kaagad. Kapag scammer, 'yong papaibigin ako tapos manghihingi ng pera, syempre iiwasan ko. Mahirap din kasi kapag sa chat, 'di ba? Hindi mo alam kung tunay at totoo ba ang intensyon niya sa 'yo."

Again, he just hummed as an answer.

"Ikaw? Kung sakali, willing ka bang manligaw sa chat?"

Matagal bago siya sumagot. "Depende rin."

"Paanong depende?"

"Basta."

Bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Genos. Kung hindi pa nga sa kaluskos na naririnig ko sa kabilang linya, iisipin kong putol na ang voice chat.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now