Kabanata 29

258 18 3
                                    

Kabanata 29

#HindiLove

Hindi love ang complicated. Tayo mismo. Tayo!

"NAGKAUSAP na ba kayo ni Kuya Genos, ate?"

Parang may sumuntok sa sikmura ko nang marinig ang tanong na iyon ni Crane. Biglang parang hindi ako mahinga. Tila ba may pumipisil ng mariin sa puso ko pagkarinig sa pangalan ni Genos.

Umiling ako.

Tumabi sa akin si Crane. Inagaw niya ang sandwich sa platito ko.

"Ano pa ba ang problema, ate?"

"Kahit naman subukan namin, hindi pa rin magwo-work out."

"Bakit? Hindi mo pa nga nasusubukan, may conclusion ka na. Nakita mo ba? Wow. Psychic ability."

Pinandilatan ko si Crane. "Alam ko lang, okay?"

"Hindi mo alam. Nagdadahilan ka lang. Kung anu-anong dahilan ang sinasabi mo para mabigyan mo ng justification 'yang takot mo." Tiningnan ko nang masama si Crane. Hindi naman siya nagpatinag. Pinagtaasan lang niya ako ng kilay. "What?"

"Babalik din siya ng Korea. Iiwan niya rin ako."

"So? Uso LDR, 'di ba?"

"Kung ang relasyon nga na magkasama na kayo, hindi pa nagtatagal. LDR pa kaya?"

"Si Jay ba tinutukoy mo? Iba si Jay, iba si Kuya Genos."

Humalukipkip ako.

"Ah. Hindi mo talaga mahal si Kuya Genos, 'no?"

Marahas na binalingan ko si Crane. "What?!"

"Kasi kung mahal mo, dapat may tiwala ka sa kanya. Kasi kung mahal mo, dapat ipaglalaban mo siya. Kasi kung mahal mo, hindi ka gagawa ng dahilan para saktan siya."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon. Tiwala? Wala nga ba akong tiwala kay Genos?

"For the last time, magpakatotoo ka naman sa sarili mo, ate."

Isinubsob ko ang mukha sa palad. I was trying to take my mind off Genos and his confession but it kept on coming back. Maybe because his confession was the only thing that was keeping me sane now.

Napatitig ako sa cellphone ko. Simula nang magkausap kami ni Genos sa labas ng bahay ko, hindi na niya ako tinawagan pa. Hindi na rin siya nag-cha-chat sa akin. It was as if he suddenly decided to erase me in his life.

Ano pa bang aasahan ko? Nasaktan ko siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na kasi takot ako. But that excuse was growing old already.

"Narinig ko kayo ni Crane."

Napatingin ako kay papa na siyang nagsalita. Hindi ko man lamang namalayang dumating na pala siya. We were trying to mend our relationship. Unti-unti, binabalik namin sa dati ang lahat.

"Mahal mo ba 'yong Genos?" tanong ni papa.

Tumango ako.

"O, bakit hindi mo sabihin?"

Umiling ako.

"Natatakot ka?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Kasalanan ko 'yan."

Marahas na napatingin ako kay papa. "Pa—"

"Dahil sa ginawa kong pag-iwan sa 'yo, sa inyo, natakot ka nang magmahal at sumubok. Natatakot kang iwan bigla. Pero anak, hindi ka dapat magpadala sa takot. Huwag mo akong gayahin. Dahil sa takot ko, nasaktan ko kayo. Natatakot ka? Fine. Pero labanan mo. May kasama ka sa paglaban. Kung mahal ka n'ong Genos, sasamahan ka niyang labanan 'yang takot mo. Pustahan, kahit 'yong Genos, natatakot din. Kasi anak, love is a risk. Susugal ka talaga. Pero kung mahal mo, tataya ka, 'di ba? Kagaya ng ginawa niyo sa akin ngayon. Nang tinanggap niyo ako ulit, nag-risk kayo. Pero ginawa niyo kasi mahal niyo ako, 'di ba?"

Tumango ako. Napangiti ako ng maliit. I missed this. Before he left us, we were always talking about anything and everything.

"Na-miss kita, pa," mahinang ani ko.

"Ako rin. Na-miss kita. Aba, ang laki mo na. Dati, puro paper dolls lang nilalaro mo. Ngayon, may iniiyakan ka ng lalaki."

Natawa ako pero kaagad din nawala iyon. "Galit siya sa akin, pa."

"Galit din naman kayo sa akin, 'di ba? Pero kapag mahal mo, mapapatawad mo." Tumayo na si papa saka marahang ginulo ang buhok ko. "Think about it. And ask yourself, Dana. Magpapatalo ka ba sa takot?"

Ilang minuto pa ang lumipas habang nag-iisip ako.

I won't be able to talk to Genos anymore. I won't be able to see him anymore. I won't be able to hear his voice. I won't be able to hear him say I love you anymore.

Hindi ko pala kaya.

"Ang tanga ko talaga," mahinang pagkausap ko sa sarili ko.

Kaagad akong napatayo. Malalaki ang hakbang na lumabas ako ng bahay para pumunta kina Travis. Sunud-sunod ang pagkatok ko hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Travis.

"Si Genos? Gusto ko lang siyang makausap. Please."

Nangunot ang noo ni Travis saka napakamot ng batok. "Si Genos? Hindi ba niya nasabi sa 'yo? Ngayon ang flight niya pabalik ng Korea."

"What?!"

"Ngayon ang flight niya pabalik ng Korea," ulit ni Travis.

"Narinig ko! Bakit kailangang ulitin mo?!"

"Sabi mo kasi what!"

"Argh!" Tinalikuran ko na si Travis. Pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang nanlambot ang mga binti ko. Napadausdos ako sa sementadong sahig. Gone. He was already gone. Umalis na si Genos nang hindi ko man lamang nasasabing mahal ko siya. Hindi ko man lamang naayos ang lahat sa pagitan namin.

Because of what? Of my fears? Damn. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.

"Get up."

Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig na iyon. Si Travis pala.

"Dana, get up. Hindi ito ang panahon para magpakalunod ka sa self-pity. Gusto mong makausap si Genos? Fine. Let's go."

Bago pa ako makakibo ay hinaklit ako sa braso ni Travis at inakay papunta sa sasakyan niya.

"Fasten your seatbelt. Lilipad tayo."

God. Gusto ko pang makita si Genos. Pero sa bilis ng pagpapatakbo ni Travis ng sasakyan? Baka final destination na 'to.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now