Kabanata 18

259 19 0
                                    

Kabanata 18

AAMININ kong kinakabahan ako nang inilabas ni Genos ang collaboration naming dalawa. Kinakabahan ako dahil baka lalong dumami ang haters ko. Lalo pa't lalabas ang mukha ni Genos sa madla. With that kind of face, hindi na ako magugulat kung dumoble o trumiple ang followers at fans ni Genos.

But I regret nothing.

Hindi ko pinagsisisihan ang collaboration namin na iyon ni Genos.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga comments sa video namin ni Genos na naka-upload sa account niya.

[User1]: My God! I think I'm shipping this one!

[User2]: kryptonight! You are so fucking handsome!

[User3]: Well, they look good together.

[User4]: We belong together, kryptonight!

[User5]: Dana has no talent. Jeez.

[User6]: Let's do a collab next, @DeeoneandonlyDana :)

May mga negative comments patungkol sa akin, hindi naman maiiwasan 'yon. Ika nga, I can't please everyone. Kasabay niyon ay may mga positive feedbacks din. Enough na 'yon para sa akin.

Nang tumunog ang chat alert ay dagli kong binuksan iyon. Para akong biglang nanghinayang nang hindi username ni Genos ang nabasa ko.

"What's wrong with me?" pagkausap ko sa sarili ko.

Binuksan ko na 'yong message ni Umi.

purplehairedgirl: Bruha ka! Nakakakilig kayo ni kryptonight! Juskoh. Paanong nangyari 'yan, ha? Bakit magkasama kayo? Matagal na ba kayong magkakilala? Kayo na ba? Dana, sagot!

Mahina akong natawa.

DeeoneandonlyDana: Easy. Lately lang kami nagkita. Coincidence lang. And no! Hindi kami, 'no!

Purplehairedgirl: Bagay kayo, girl! OTP ko na kayo!

DeeoneandonlyDana: Ewan ko sa 'yo! Hahahaha

purplehairedgirl: Kinikilig ka naman :P

Hindi ko alam ang ire-reply ko. Ako? Kinikilig? Hindi naman! Diba?

Bago ko pa man ma-reply-an si Umi ay tumunog ang ringing alert tone ng phone ko. Pangalan ni Genos ang lumabas doon. Nagpalitan na kasi kami ng cellphone number.

"O? Bakit?" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"May ginagawa ka?"

"Wala naman. Bakit?"

"Labas tayo."

Napaisip ako. "Saan?"

"Kahit saan. Malling? Ipasyal mo ako," utos niya sa akin.

I rolled my eyes. "Demanding."

"Dali na. Libre ko."

"Okay," mabilis kong tugon.

Mula sa kabilang linya ay dinig ko ang tawa niya. "I'll be there in thirty."

"Okeydokey."

Mabuti na lamang at katatapos ko lang maligo. Nagpalit lang ako ng damit. Nagsuklay ako at nagsuot ng kulay pink na headband. Lumabas na ako ng aking silid at nagpunta sa may sala para doon hintayin si Genos.

At exactly thirty minutes after, someone knocked on the door.

"Yo!" bungad niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Let's go!" wika ko. Hinawakan ko ang bisig ni Genos saka siya hinatak palabas ng gate. Nang naglalakad na kami papalabas ng subdivision, binitawan ko na ang bisig niya. "Libre mo ako, ha," ungot ko saka siya siniko sa tagiliran.

"Oo. Ako naman nag-aya, eh."

"Eh bakit n'ong ako nag-aya sa iScream, ikaw pa rin nagbayad?"

"Kasi..."

"Kasi?"

"Basta. Dami mong tanong."

Patuloy kami sa pagkukuwentuhan hanggang sa makasakay kami ng taxi. Kung mag-usap kami, para bang close na close na kaagad kami sa isa't isa. I feel safe with Genos.

Ang weird nga, eh.

Super weird.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now