Kabanata 4

367 19 8
                                    

Kabanata 4

#JigsawPuzzle

Bakit nga ba may mga taong darating lang sa buhay natin para manggulo? Ano'ng akala nila sa buhay natin? Puzzle pieces na guguluhin tapos puwedeng iwan na lang basta kapag hindi mabuo? Eh di wow.

I LOOKED at the clock. Maaga pa para sa pasok ko sa Café Saga. Umupo ako sa gilid ng kama ko saka binuksan ang Checklist website. Nagtingin-tingin lang ako.

Mayamaya, nag-post ako ng picture ko habang suot ang uniform sa Café Saga.

Working girl :), ang inilagay kong caption sa picture.

Hindi ko muna pinansin 'yong mga comments at likes na natanggap ng picture ko. Binisita ko muna ang account ni kryptonight.

"Oh. May bago na kaagad siyang video. Ang bilis," pagkausap ko sa sarili ko.

I grabbed my earphone and placed it on my ears. Pinindot ko ang play button saka hinintay na mag-load ang video.

This time, the video was different. Instead of the normal black screen, the video was showing a person. May hawak na gitara ang pigurang nasa screen. Hindi pinapakita ang mukha, iyong parte lang na kita ang gitara ang nasa screen.

May narinig akong tumikhim mula sa video.

"I randomly picked a username. This one's for Dee."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napanganga ako dahil sa labis na gulat. Tama ba ang narinig ko? Pero Dee lang naman ang sinabi niya. Baka hindi ako 'yon. 'Wag dapat akong assuming.

Nang kinanta ni kryptonight ang unang bahagi ng Sugar ng Maroon 5, naging eighty percent sure ako na ako ang "Dee" na tinutukoy niya.

He noticed me!

Napasinghap ako. Itinutok ko ang buong pansin sa pakikinig sa boses ni kryptonight. Parang hinahara niya ako. Nang matapos kumanta at mag-gitara ay nag-iwan pa ng mensahe si kryptonight.

"Thank you for the request, guys. And thank you, deeoneandonlydana. Hope you liked it."

"Sobrang gusto ko!" bulalas ko. One hundred percent sure, ako nga ang Dee na tinutukoy niya! Oh, my mama! Napansin ako ni crush! Natawa ako sa kilig. Buwisit. Iba 'yong kilig ko.

S-in-ave ko ang video sa memory ng cellphone ko. Aba, bakit ba. Sa gusto ko, eh.

Magko-comment na sana ako sa video niya nang mapatingin ako sa oras. Kailangan ko na pa lang umalis! 'Di bale, mamaya ako magpapasalamat sa kanya.

Mamaya rin, iko-convert ko sa mp3 ang video na 'to para mapakinggan ko nang paulit-ulit kahit naglalakad lang ako.

Juskoh. Nang binanggit ni kryptonight ang pangalan ko, iba ang feeling. Many people had mentioned my name before but hearing it coming from his lips was different.

"Online crush lang 'to, self. 'Wag kang madadala sa boses."


"SAAN ka galing, Dana?"

Napahinto ako sa akmang pagpasok sa bahay nang marinig ang tinig na iyon ni Travis. Naninigarilyo ang lalaki sa may tapat ng pinto ng bahay niya habang nakahalukipkip. Pinagtaasan pa niya ako ng kilay.

"Sa Café Saga. Doon ako nagwo-work."

"Ah. Nandoon din si Barbie?"

Ako naman ang nagtaas ng kilay dahil sa tanong niya. "Wala. Bakit?"

Nagkibit ito ng balikat. "Wala lang."

Isang nananantiyang tingin ang binigay ko sa kanya bago ako pumasok sa bahay. Walang tao. Nasa bakery pa siguro si mama habang si Crane ay naghahanap marahil ng trabaho.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin