Kabanata 28

236 16 0
                                    

Kabanata 28

NAPAHINTO ako sa akmang pagpasok sa kusina nang marinig ang tinig ni mama mula roon. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni mama simula nang komprontahin ko sila ni papa. Siguro umiiwas ako. D'yan naman ako magaling, eh—sa pag-iwas sa problema.

Hanggang ngayon ay namumugto pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Sinasabi kong mahal ko si Genos pero hindi ko man lamang maipakita iyon sa kanya. Pagmamahal ba ang tawag dito?

"Kailangan mo nang sabihin sa kanila ang totoo, Leon. Malalaki na sila. Kailan mo pa ba aaminin ang totoo sa kanila? Kapag huli na ang lahat? Tama nang inalis mo sa kanila, sa amin, ang ilang taong kasama ka dapat namin. Stop being so selfish, Leon," tinig iyon ni mama galing sa kusina.

"Selfish? Pinili kong lumayo dahil ayokong maging makasarili, Glen. Dahil ayokong idamay kayo sa problema ko. Dahil ayokong pati kayo ay mahirapan. Pagiging makasarili ba 'yon?"

Tama nga ako. Si papa nga ang kausap ni mama. Wala man lamang akong ideya na nandito pala sa bahay si papa. Napasandal ako sa dingding. Alam kong hindi tama na makinig ako sa pag-uusap nila pero may tinig sa utak ko ang bumubulong na huwag akong umalis.

"Oo! Pagiging makasarili 'yon! Hindi mo man lamang naisip na pamilya mo kami, na gusto naming makasama ka, na mabigyan ka ng lakas. Na samahan ka sa paghihirap mo. Hindi mo man lamang naisip na kahit masaktan kami, mas gusto na namin iyon kaysa malamang mag-isa ka habang nilalabanan mo 'yang sakit mo!"

Sakit? May sakit si papa?

"Ano'ng gusto mong gawin ko, Glen? Ang saktan kayo araw-araw? Ang pahirapan kayo araw-araw?"

"Oo! Kasi pamilya mo kami! Kasi nangako tayo sa altar. In sickness and in health, hindi ba? Hindi ba?!"

Wala akong narinig na tugon. Ang sunod kong narinig ay ang pag-iyak. At hindi si mama ang umiiyak. Si papa.

"Patawad. Patawad kung inunahan ako ng takot. Ayoko lang masaktan kayo. Natakot ako, Glen. Natakot ako nang malaman kong may cancer ako. Ayokong makitang naghihirap kayo dahil sa akin, dahil sa sakit ko. Kaya mas pinili kong lumayo; kaya mas pinili kong magsinungaling."

Naitakip ko ang mga palad sa bibig upang pigilan ang ingay na nais kumawala roon. Cancer? May sakti si papa kaya niya kami iniwan? Wala siyang sinamahang ibang babae?

What? Ano ba ang totoo? What's going on?!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok sa kusina. Nakita ko ang pagkagulat at takot sa mukha ni papa at mama. Then, resignation and defeat was all-over my father's face, along with sadness and pain.

"Cancer? Sakit? A-anong—what? Ma?" tanong ko kay mama.

Iniwas niya ang paningin sa akin bago sumagot. "Hindi sinasadyang nalaman ko ang tungkol sa sakit ng papa mo, Dana. Iyong perang hiningi niya, hindi niya talaga hiningi iyon. Kusa ko 'yong binigay para pantulong sa pagpapagamot niya. For two years, anak, nilalabanan ng papa mo ang cancer."

Puno ng hinanakit na binalingan ko si papa. "Bakit?" One word, pero nandoon lahat ng tanong ko, ng nararamdaman ko.

Unti-unting lumapit sa akin si papa. Hindi kagaya noon, hindi ako kumilos kahit na ba nang hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat.

"Kasi ang akala ko, iyon ang tama. Ang akala ko, pinoprotektahan ko kayo. Kasi natatakot ako. Takot na takot ako, anak. Ayokong madamay pa kayo kaya... kaya nagsinungaling ako. Patawad, Dana. Patawad kung nasaktan ko pa rin kayo."

Umiiyak na nakatitig lamang ako kay papa. All these years, I was angry at him. Pinagsalitaan ko siya nang masama. Nagsalita ng laban dito. Gayong may karamdaman pala siya. Na sa isip niya, ginagawa niya lang ang sa tingin niya ay tama.

"Sinabi mo dapat sa amin, pa," garalgal ang tinig na wika ko sa kanya.

"Patawad, Dana."

Umiiyak na niyakap ko siya ng mahigpit. Looking at him now, I noticed the changes in him. Ang payat na niya.

"Sorry rin, pa, kung naging matigas ako. Sorry kung may nasabi akong masama. Sorry po," umiiyak na wika ko.

Ginantihan ni papa ang yakap sa akin. "Sshh. Tahan na."

"Pa..."

Napatingin ako kay Crane na may luha na rin sa mga mata. Ni hindi ko man lamang namalayang nandito rin pala siya. Tumabi sa amin si Crane. Ikinulong kami ni papa sa loob ng bisig niya at niyakap ng mahigpit.

"Come here, Glen," mahinang ani papa kay mama.

It was a hug full of tears, joy, and warmth. Finally, after two years, kumpleto na ulit ang pamilya namin.

Thank You, Lord.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now