Kabanata 16

294 21 3
                                    

Kabanata 16

#Manloloko

Bakit nanloko? Kasi gago. Period.

"ATE! SINO 'yong lalaking kausap ni mama sa baba, ha?"

Humikab muna ako. Kahit na hindi naman ako gaanong napuyat, pakiramdam ko ay antok na antok pa rin ako. Nakaligo na ako't lahat pero ang gusto kong gawin ay matulog. "Sinong lalaki?"

Pinandilatan ako ni Crane. "Kaya ko nga tinatanong sa 'yo, 'di ba? Kaibigan daw ni Kuya Travis."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sagot na iyon ni Crane. Kaibigan ni Travis?

"Nasa ibaba si Genos? Kausap ni mama?" paniniguro ko.

"Singkit na maputi?"

Si Genos nga. "Anong ginagawa niya rito?!"

Nagkibit ng balikat si Crane. "Malay ko. Sino ba 'yon, ha?"

Hinawakan ko sa bisig si Crane saka hinatak pababa sa kusina. Doon ko naabutan si Genos na kakuwentuhan si mama. Parang enjoy na enjoy pa nga sila sa pag-uusap na dalawa.

"O, mabuti't bumaba ka na, Dana. Aba'y kanina ka pa hinihintay nitong si Genos. Daig ka pa niya, anak. Marunong magluto," saad ni mama.

Inirapan ko si Genos nang tila proud na proud na nginisihan niya ako. Nabanggit ko kasi sa kanya one time na hindi ako masyadong marunong magluto. Ang yabang lang ni Genos dahil siya raw marunong magluto.

Naramdaman ko ang pagsiko sa 'kin ni Crane. Doon ko naalalang ipakilala sila sa isa't isa.

"Genos, kapatid ko, si Crane. Crane, si Genos, kaibigan ni Travis. Kilala mo rin siya sa Checklist bilang kryptonight."

Napatawa ako nang malakas nang makita ko pagkabigla at hindi pagkapaniwala sa mukha ni Crane. Bahagya pa ngang napaawang ang bibig niya habang titig na titig kay Genos.

"I-ikaw si kryptonight?" paniniyak ni Crane.

Tumango si Genos. "Yeah. Nice meeting you," bati ni Genos saka inilahad ang palad kay Crane.

Ginagap naman iyon ng kapatid ko. "I'm a fan!" bulalas niya.

Nahampas ko ang lamesa dahil sa inaktong iyon ni Crane. Huminto lang ako nang binatukan niya ako. "Ano ba!" angil ko kay Crane.

Tiningnan niya lamang ako nang masama saka binalingan si Genos. Para bang matagal ng magkakilala ang dalawa kung mag-usap. Pumuwesto na ako sa harap ng hapag habang naglalagay ng pagkain sa pinggan.

"Dana, sa katapusan ng buwan, puwedeng hindi ka na mag-trabaho sa Café Saga."

Mula sa pagkain ng tocino ay binalingan ko si mama. "Po?"

Nginitian niya ako. "May sapat na tayong ipon para sa pang-tuition niyo ni Crane. Kaya tapusin niyo na lang 'tong huling linggo at pupuwede na kayong huminto."

Napatingin ako kay Crane. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Saan ka nakakuha ng pera, ma?" tanong ko.

Iniwas niya ang paningin sa akin. "Sa papa mo. Nagbayad siya."

"Huh. Who would have thought," mahinang ani ko. "Hoy, Genos. Ano'ng tinitingin-tingin mo? Halika, kumain ka na. Ikaw rin, Crane. Saka mo na interview-hin 'yang idol mo," pang-aasar ko.

Natawa na lamang ako nang parang batang lumabi si Crane saka umupo sa tapat ko. Bale naging katabi niya si mama. Si Genos naman ay umupo sa tabi ko.

"Bakit ang aga mo?" tanong ko sa kanya.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now