Kabanata 1

789 28 1
                                    

Kabanata 1

#AyawNaNga

Kapag ayaw na niya, 'wag mo nang pagpilitan pa ang sarili mo sa kanya. Sa LRT o MRT ka na lang sumiksik, 'wag na sa buhay niya.


NAPANGITI ako nang makita ang number of views ng latest video ko. Hindi ako 'yong matatawag na online sensation pero marami-rami na rin akong followers kumpara sa iba. Hindi ko nga inakala na 'yong first ever video ko rati, aabot kaagad ng one thousand views. Puro kalokohan lang naman kasi 'yong ginagawa ko. Imagine, more than one thousand people were watching my nonsense videos? Then as I posted more videos, I gained more views and followers. Mga wala rin magawa sa buhay 'tong mga taong nanonood, eh.

Siguro dahil na rin ito sa impluwensya ng kapatid ko. Iyong nakababatang kapatid ko kasing si Crane ang sikat talaga. Magaling kumanta saka pogi, kaya ayon, pinagkaguluhan sa online world. Eh one time, sinama niya ako sa video. May talent din naman kasi ako sa pagkanta kahit papaano. Nag-duet kami. Simula noon, may mga naghanap daw sa akin sa account niya. Then I decided to make my own account then voila!

From time to time, nagko-collab kami ni Crane pero most of the times, kanya-kanya. Saka mas gusto kong mag-post ng mga ka-bitter-an ko sa love.

Yep. You got that right. Most of the nonsense things I've been posting were things about love. Iyong mga pinaglalaban ng mga single na "walang forever," "maghihiwalay din kayo," and the likes.

Nagpo-post din ako ng mga reviews tungkol sa mga napapanood ko, nakikita ko, nababasa ko, at nakakain ko. Basta, kung ano lang ang maisipan kong i-post.

Recording a video, for me, was like talking to a friend. No cuts, no edits. What you see is what you get. Pak. Ganern. Hindi ako 'yong klase ng babae na kailangan perfect sa harapan ng camera; na kailangan naka-make up pa para makahatak ng views kasi nga pretty; na dinadaan sa anggulo at effects para super pretty.

Most of the times, nagme-make face pa nga ako sa harapan ng camera. Derp face ba. Mas umaangat kasi ang self-confidence ko kapag may nagko-comment sa video ko na ang cute o ang pretty ko kahit na naka wacky pose ako. Saka mas gusto kong mabasa 'yong mga comments patungkol sa topic ko, hindi sa mukha ko. Weird ba?

Parang sa pakikipag-relasyon lang 'yan, eh. You have to show your bad side to your other half, too. Para malaman mo kung matatanggap ba niya pati mga imperfections mo. Am I great or what?

Aside from videos, puwede rin mag-post ng texts o photos sa Checklist—ang pangalan ng website na kung saan may account kami ni Crane. Kaya kapag tinatamad akong mag-record, nagpo-post lang ako ng kung anu-ano. May forum, chatroom, at kung anu-ano pa sa Checklist. Puwede ka rin mag-send ng message sa ibang members.

"Ate!"

Mula sa laptop ay napabaling ako sa pinto. Buwisit din minsan 'tong kapatid ko, eh. Hindi marunong kumatok. Ano ba naman 'yong one second na pagkatok bago pumasok sa kuwarto ko?

Pinandilatan ko si Crane. "Ano?"

"Promote mo naman sa account mo 'yong bago kong video. Please!" Lumuhod pa ang kumag sa harapan ko.

Napailing na lamang ako saka ibinalik ang pansin sa laptop. "Bahala ka sa buhay mo."

"Ate Dee!" ani Crane saka kumapit sa braso ko na parang unggoy.

"Crane!"

"Please! Kailangan ko lang ng maraming views. May pustahan kasi kami ng mga barkada ko. Ate, please naman, oh. Please?"

Inismiran ko si Crane. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon. Pero kahit ganito ako umakto, spoiled sa 'kin 'yang kapatid ko. Hindi ko matanggihan, eh.

"Please lang?" nakangising tanong ko sa kanya.

Kaagad na umasim ang mukha ni Crane dahilan nang lalong paglapad ng ngisi ko.

"Ililibre kita n'ong gusto mong stuff toy sa mall," napipilitang aniya sa akin.

"Deal!"

Umismid naman si Crane. Ang sama ng tingin niya sa akin pero ayos lang. Nasabi kong spoiled sa 'kin 'yang si Crane pero ganoon din naman siya sa 'kin. Protective siya sa 'kin. Kung umasta nga si Crane, parang siya ang mas matanda sa aming dalawa.

"Ewan ko nga kung bakit marami kang followers, eh," pang-aasar niya saka pinisil ang ilong ko. "Siguro mahilig lang talaga 'yang mga followers mo sa rabbit. Mukha ka kasing rabbit."

Naiinis na tinapik ko ang kamay niya. "Ikaw mukhang orangutan."

Ngumisi lamang siya. Umayos na ng tayo si Crane. Pabiro niyang ginulo ang buhok ko. Tingnan niyo, akala niya yata mas matanda siya kaysa sa akin.

"Thanks, ate.

Pagkalabas niya ng kuwarto ko ay napakamot na lamang ako ng batok. Nanood na muna ako ng iba't ibang videos hanggang sa madaaanan ko ang video ng online crush kong si kryptonight. Maganda kasi ang boses ni kryptonight. Saka magaling din siyang mag-rap. Noong unang beses ko ngang narinig 'yong boses niya, naging instant fan kaagad ako. One thing about kryptonight was, he never once have shown his face to his viewers. Boses lang talaga niya. Hindi rin siya nagpo-post ng pictures niya. Most of the photos he had posted were sceneries.

Si Crane, idol na idol 'yang si kryptonight. Kay Crane ko nga nakilala ang account ni kryptonight at simula no'n, hayon, fan na ako. Palagi kong inaabangan ang mga new videos ni kryptonight. Ang cool kasi ng boses niya. Suave pakinggan.

Binuksan ko na ang camera ng laptop ko. Nang bumukas ang camera features ay napatingin ako sa screen. Para akong bagong gising. Sinuklay ko lang saglit ang buhok ko gamit ang aking kamay, okay na 'yon. Nagsuot ako ng headband para hindi matakpan ng bangs ko ang mga mata ko. Medyo mahaba na kasi ang bangs ko, eh tinatamad pa akong magpagupit. Baka ipagupit ko na lang 'tong bangs ko kay mama.

I pressed the record button. Napakurap-kurap ako saka kumaway sa camera. "Hi! Wala talaga akong planong mag-record ng video. Eh kinulit ako ni Crane so heto ako ngayon. I want to promote Crane's new cover for Justin Bieber's song Love Yourself. Please visit his account. The link is on the description of this video. Anyway, speaking of Love Yourself, na-LSS ako sa kantang 'yan dahil na rin kay Crane. Maya't maya ba naman kantahin." I playfully rolled my eyes while smiling widely. Kung anu-ano pa ang sinabi ko hanggang sa umabot na ng halos ten minutes ang video ko. I ended the recording, added subtitles because I have followers that could not understand Filipino language.

Nag-unat ako saka napatingin sa orasan. Oops. Late na ako sa meeting time namin ng best friend kong si Barbie. Oh, well.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now