Kabanata 3

390 19 0
                                    

Kabanata 3

"THANK you! Come again!" nakangiting bati ko sa papalabas na customer ng Café Saga. Ito 'yong café sa subdivision namin. Nag-apply ako na waitress para may pandagdag sa pang-tuition ko at ni Crane.

Mabuti na lamang at tinanggap ako ni Knox. Siya 'yong may-ari ng café. Sabi niya, understaffed daw sila kaya tinanggap niya ako. Sabi ko naman sa kanya, ngayong Summer vacation lang ako magtatrabaho. Okay lang sa kanya.

Mabait din 'tong si Knox, eh. Alam kong tinanggap niya ako sa trabaho dahil kailangan ko ng pera.

"Break ka muna, Dee," nakangiting ani sa akin ni Cy. Magkasing-edad kami at kagaya ko ay waitress siya rito sa Café Saga.

"Okay!"

Pumunta ako sa break room. Umupo ako saka inilabas ang cellphone ko. Ilang minuto lang ang break kapag ganitong hapon na. Dahil hindi naman ako gutom, mag-online na lang ako.

Pagpunta ko sa Checklist, ang unang bumungad sa 'kin ay ang post ni kyptonight na bagong video. Maikli lang ang video niya pero pansin ko, ang dami kaagad comments. Iba na talaga kapag sikat. Kulang na lang mag-comment ako ng, "Notice me, kryptonight!"

"Hi! This is just an announcement. Since I don't know what to cover next, I'm giving this chance to ask my followers for a song. Just type in your request on the comment box below. I'll give you twelve hours. From those, I'll randomly pick a song. Thank you," anang tinig ni kryptonight. Nang huminto ang video ay napatingin ako sa oras. Juskoh! Malapit na ang deadline!

Kaagad akong nag-type sa comment box ng video. First time ever na nag-comment ako sa post niya.

"Buwisit! Ngayon pa bumagal connection," pagbubusa ko at pilit hinintay kung papasok pa ang comment ko.

Nang mag-send ang comment ay napahinga ako nang maluwang. With fingers crossed, I wished he would pick my request.

"Break time's over," usal ko.

Inayos ko ang uniform na suot saka lumabas na para mag-trabaho.


PABAGSAK akong humiga sa sofa. Kagagaling ko lang sa Café Saga. First day pa lang pero parang pagod na pagod ako. Kahit kasi sa loob lang ng subdivision namin ang café, dinadayo pa rin iyon dahil sa may-aring si Knox. Guwapo, eh. Kaya dinudumog ng admirers.

I realized you should not cross a girl obsessed with a guy.

Ilang babaeng customers ang binabato ako ng masasamang tingin dahil lang bago akong waitress at medyo close kay Knox. Grabe. Ang nagagawa nga naman ng selos sa isang tao.

Once upon a time, I was like that, too. Iyong naiinis ako kaagad kapag may nakikita akong babaeng kumakausap sa ex ko. But I learned something from that experience. I should have trusted my other half instead of always thinking the worst.

Saka sa tingin ko, hindi mo dapat hawakan ng mahigpit ang isang tao kapag nasa isang relasyon kayo. Dahil kung gusto niyang mag-stay sa tabi mo, hindi siya aalis, hindi siya magpapahila sa iba, hindi siya sasama sa iba.

Kumbaga sa mga jeje-words, ikaw lang sapat na.

"Saan ka galing?"

Umayos ako ng upo bago ko kinuha ang inabot sa 'king isang baso ng tubig ni Crane.

"Sa Café Saga. Waitress ako d'on."

Nangunot ang noo niya. "Bakit?"

Iniwas ko ang paningin kay Crane. "Wala lang. Bored. Saka para may allowance ako ngayong vacation."

"Ate—"

Kunwaring nag-unat ako. "O, look at the time. Kaya pala gutom na ako," pag-iiba ko ng usapan.

"Look at me, Dana," matigas na ani Crane.

Shoot! Nagmatigas ako. I could not lie to Crane that well. Saka kapag tinatawag niya akong "Dana," alam kong seryoso na siya.

"Dana... ano'ng tinatago mo?"

Napabuga ako ng hangin saka siya tinitigan. Walang nagawang inamin ko rin ang totoo kay Crane. Nakita ko ang pagbalot ng galit sa mukha niya.

"Crane—"

"That shit," galit na bulalas niya. "That fucking piece of shit," mariing aniya.

"Crane, it's okay. Kaya natin 'to. Pera lang 'yon."

"Pero dahil do'n, tingnan mo, unang araw pa lang pero hapung-hapo ka na! Mag-resign ka na. Ako na lang ang magta-trabaho."

Nangingiting ginulo ko ang buhok ni Crane. "Ayos lang ako, 'no. Hindi pa lang kasi ako sanay. Kaya ko 'to. Pantulong na rin kay Mama."

Marahas na hinagod ni Crane ang buhok niya. "Maghahanap din ako ng trabaho. Ayokong mahirapan kayo ni Mama."

Napailing na lang ako. Kapag nag-desisyon kasi 'tong si Crane, mahirap nang pigilan. Matigas ang ulo. Parang ako.

"'Wag mo na lang masyadong i-stress si Mama, ha, Crane? Intindihin na lang natin siya."

Sumandal si Crane saka tumingala. Kapagkuwan ay tumutok sa akin ang paningin niya.

"Ganoon ba talaga kapag nagmamahal, ate? Hahayaan mo siyang bumalik kahit paulit-ulit ka na niyang sinasaktan?"

This kid. Minsan lumalabas din ang pagiging bata ni Crane. He might act like a mature guy but he was still a growing kid.

Inakbayan ko si Crane kahit medyo hirap ako. Buwisit kasi 'tong kapatid ko. Mas matangkad sa akin kahit mas matanda ako sa kanya.

"Hindi ko alam, Crane. Bawat tao kasi, iba magmahal, eh. Bottom line, nagmahal ka. Kahit saktan ka niya, hindi mawawala 'yong pagmamahal. Mababawasan, matatabunan, mapapalitan. Pero nandoon pa rin 'yon, hindi na nga lang kagaya ng dati. Siguro sa posisyon ni Mama, naaalala niya 'yong mga pinagsamahan nila ni Papa kaya hindi niya mabitawan si Papa. Minsan kasi, ang mga alaala ang pumipigil sa isang tao para mag-move on ng tuluyan."

Crane grunted. Hindi na siya nagsalita. Nanatili naman akong tahimik. I couldn't say I could understand our mother's position; on how she could always lend a hand to that person who betrayed her, us. Maybe it was just in our mother's nature, to forgive someone that easily. O siguro, mahal pa rin niya.

"'Lika na nga. Gutom na ako. Maghanda na tayo para pagdating ni Mama, kakain na lang."

"Okay." Ginagap ni Crane ang palad ko. "Hindi ko sasabihin kay mama na alam ko 'yong tungkol kay papa. Sasabihin ko lang na gusto ko lang mag-trabaho ngayong summer."

Napangiti ako. "Salamat, Crane."

Ngumiti na rin siya.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now