Kabanata 23

247 20 3
                                    

Kabanata 23

"HINDI mo pa rin sila kinakausap?"

I licked my mango ice cream before answering Genos' question. "Hindi pa ako handa. I need time to think. Pero kakausapin ko rin sila, pati si papa. Oras lang ang kailangan ko."

Tumango-tango si Genos saka ngumiti. "Good. Huwag mong madaliin ang sarili mo. Kausapin mo sila kapag handa ka na."

"Salamat."

Napatingin ako sa labas ng iScream store. Pinanood ko ang pagdaan ng mga tao sa labas. Maraming gumugulo sa isipan ko. Si papa, si mama, si Genos...

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko na rin harapin si papa. Tama si Genos, tinatakbuhan ko ang problema. Natatakot ako sa mangyayari pero papaano ko mahaharap iyon kung ayaw kong harapin, 'di ba?

Dumadagdag pa 'tong nararamdaman ko para kay Genos.

I knew from the start I was attracted to his voice. When I got to talk to him, it grew. Isinantabi ko lang dahil sa isipan ko, sa online ko lamang siya kausap. Nothing would grow when it started through online.

Then I was able to see him and was able to meet him in person.

The feelings that I was trying to suppress could not be held any longer.

Kahit ano'ng pilit kong labanan, lumalala lang lalo, eh.

It was a slow process but I fell for Genos.

What should I do? Wala.

"Natutulala ka na naman. Ano'ng iniisip mo?" Kasabay niyon ay may naramdaman akong malamig na malagkit sa tungki ng ilong ko.

Sinimangutan ko si Genos saka pinahid ang ilong ko gamit ang tissue. Pinahiran pala niya ako ng ice cream.

"Hindi ikaw, 'wag kang assuming," sagot ko saka siya inismiran.

Tumawa naman si Genos saka itinaas ang magkabilang kamay. "Wala naman akong sinasabi. Guilty ka masyado."

Pinandilatan ko siya pero lalo lamang lumakas ang tawa niya. I looked at him as if I was memorizing every angle and every stroke of his face.

Darating ang araw na hindi ko na magagawa ito. Hindi ko na siya makakausap sa personal. Hindi ko na siya makikita sa personal. Hindi ko na siya mahahawakan sa personal.

It hurts. But life must go on.

Kasalanan ko rin naman dahil minahal ko siya. Kasalanan ko dahil hindi ako nagpaawat. Kasalanan ko dahil sa dami ng puwede kong mahalin, 'yong lalaking pang sa kabilang mundo nakatira, 'yong lalaking kaibigan ang turing sa akin.

Saklap.

"Kung sa bawat pagtitig mo, siningil kita ng piso, may pang-Star City na tayo."

"OA ka!"

"Makatitig ka kasi, eh. Nahihiya tuloy ako," pang-aasar niya.

Napasimangot ako pero sa loob-loob ko ay may tuwang bumabalot. Hindi ako makapaniwala na itong lalaking kaharap ko, itong lalaking mapang-asar at maloko na ito ay dating malulungkutin. I admit I was glad—beyond glad actually—when I heard his story, when he told me I helped him.

Wala na sigurong mas sasaya pa kapag nalaman mong may naitulong ka sa buhay ng lalaking mahal mo, 'no?

"Alam mo—" Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sinubuan ng ice cream. Napapikit ako dahil sa lamig niyon.

"Masarap?"

Tumango ako. Sinundan ko ng tingin ang pagsubo ni Genos ng ice cream. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kutsarita niya. Nang akmang susubo siya ulit ay pinigilan ko siya sa bisig niya.

"Bakit?"

"Anong bakit? Magpalit ka ng kutsarita!"

Bumadya ang pagtataka sa mukha niya pero maya-maya ay napangisi siya. "Indirect kiss?"

Jeskelerd! Namumula ang pisngi na binitawan ko ang bisig niya. "Bahala ka sa buhay mo! Mahawa ka sana sa ubo ko."

"Kung gusto mo ng kiss ko, sabihin mo lang. One thousand lang bayad."

Naiinis na binato ko siya ng tissue. Bakit ba ako na-in love sa mokong na 'to?

Pero habang nakatingin ako sa tumatawang mukha ni Genos, isa lang ang pumapasok sa isip ko: How I love this guy.

He told me my smile saved him. He didn't know his smile saved my heart, too.

"May ice cream ka sa gilid ng labi mo."

Akmang papahirin ko ang parteng iyon nang inunahan niya ako. Pero lalong nanlagkit ang pakiramdam ko.

"Ano'ng ginawa mo?!"

"Wala lang," inosenteng sagot niya pero walang inosente sa hitsura niya! Kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata niya.

"Genos!"

Pinahid ko ang gilid ng labi ko. Lintek na. Pinahiran pala niya ako ulit ng ice cream. Bilang ganti, sumawsaw ako ng ice cream saka pinahid sa pisngi ni Genos.

Natawa ako. "Ganti-ganti lang."

"So kapag hinalikan kita, gaganti ka rin?"

"Shut up!"

Dumukwang si Genos palapit sa akin saka magaang kinantilan ng halik ang noo ko.

"Ganti na, Dana."

Oh, Gulay. Kawawa na naman ang puso ko.

The Chronicles Of Dana (Published under PHR)Where stories live. Discover now