Compiled Stories 19

176 3 0
                                    


Anino mula sa ibabaw ng sasakyan
Shared by Mr. Roboto

Nangyari sa akin ito nung 2016 isang sabado. Kasama ko si Shiela, ang girlfriend ko at mga kaibigan nitong sila May at Donna.

Galing kami sa isang self-service na inuman restaurant sa Sta. Rosa.
Hinatid ko ang girlfriend ko kasama sila sa Imperial gamit ang sasakyan. Nagpasya na din na doon matulog, si May at si Donna naman ay taga doon din. Sa makatuwid ako nalang ang uuwing mag-isa dahil ida-drop by ko sana si May sa Carmona dahil taga San Pedro ako. Lumusot ako ng Technopark and dumaan sa Greenfield shortcut dahil may sticker naman ako. Ang daanang iyon ay walang mga posteng de ilaw kung kaya't napakadilim na tanging buwan lang ang pinakaliwanag mo. Saktong alas dose ng gabi ng dumaan ako dun sa paglabas ng Technopark Gate 4 at kumaliwa sa diretsong bagtasin ng Greenfield na kung saan na maraming puno sa magkabilang bahagi na matataas. Walang kasalubong na sasakyan, wala din sa likod. Nag-bright light na ko at doon ko nakita na sa anino mula sa headlight na naka-bright na tumatama sa mga punong malalaki na may tila nakatayo sa ibabaw ng sasakyan. Ang anino na nag-reflect ay halos 20-30 ft ang taas. Kinilabutan ako pero mas pinili kong matiyagan ng husto ang anino. Para itong malaking tao na nakatalukbong ng kumot habang nakatayo. Sumulyap ako sa rearview and side mirrors para makita kung may sasakyan sa likod pero wala talaga. Paano nagkaron ng anino na tila nasa ibabaw ng sasakyan kung walang ibang sasakyan sa likod para tumama ang reflection nito sa mga puno. Tumingin ulit ako sa harap at nandoon pa rin sya. Sa kakaaninag ko hindi ko din namamalayan na napaapak na ko sa gas kung saan mabilis na ang andar ko. Namulat lang ako mula sa pagkakatitig ng halos 10-15 secs ng masilayan ko na ang Rotonda at nagbagal kaagad ako paliko. Pagkauwi ko ng bahay. Tinignan ko yung headlight ko at ni-bright mode pa kung anong meron pero normal naman ito. Hanggng ngayon pag naaalala ko yun kinikilabutan pa rin ako dahil anino talaga ng tao sa ibabaw ng sasakyan ko ang nakita ko.

Silip
Shared by MacariaAdabra

Isa na naman sa karanasan kong bibihira lang din ang nakakaalam.

Nangyari ito way back May 2016 sa isa sa trabaho ko bilang service crew ng isang kilalang doughnut shop na pagmamay-ari mismo ng owner ng naturang Mall. Mall iyon na matatagpuan sa Alabang. Kilala iyon dahil na din sa kung anu-anong kababalaghan ang madalas maranasan ng mga napasyal doon. Madalas daw kasi madami ang nakakakita ng hindi pangkaraniwan sa lugar na iyon. At hindi ko inakalang pati ako makakaranas ng hindi ko din inaasahan.

Nangyari ito noong nakapwesto ako sa foodcourt ng naturang mall since may kiosk kami doon. Magulo. Maingay. Sari-saring bata ang nagtatakbuhan. Maraming maiingay na estudyante ang naglipana. Alas-tres iyon ng hapon base na din sa oras sa cellphone na hawak ko. Wala akong magawa sa cellphone ko non. Iniintay ko nalang pati na dumating 'yung anak ko kasi bibisita nga daw doon at maglalaro. Inilapag ko ang cellphone ko sa gilid ng mga tray. Sa loob ng showcase na gawa sa salamin para kako hindi ako masalisihan maging busy man ako kasi nga open area lang iyon. Pinagmasdan ko ang paligid. Gaya ng sinabi ko. Maingay. Magulo. Maraming tao pero nakaramdam ako ng kakaiba. Ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon at piniling kalikutin na muli ang cellphone ko pero laking gulat ko ng pagyuko ko. May naaninag akong nakatingin sa'kin. Malakas ang pakiramdam ko every time na may nakatingin sa'kin. Hindi kasi ako kampante. Ayokong tinitingnan ako. Inaninag ko iyon at napagtanto kong mata ng isang bata. Bilugan iyon. Maputi at parang nabubura na ang mukha niya sa sobrang puti niyon. Sa sobrang gulat ko. Napalabas ako. Hinahanap ko kung kaninong mukha ng bata yun pero wala akong nakita. Narinig kong tumawa yung janitress di kalayuan sakin. Nilapitan ko siya. Tinanong ko kung nakita ba niya? Kasi nag-react siya pero tanging ito lang ang sinagot niya sakin "Pinaglaruan ka din niya."
Halos lahat pala silang janitress doon. Kilala at napaglaruan na ng batang iyon. Pagkatapos ng insidenteng yan. Hindi ko na siya ulit nakita.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon