Ancestral House noon, Opisina na ngayon

37 1 0
                                    


Shared by Edymionn

Yung dating place ng dad ko eh isang ancestral house na kinonvert para maaccomodate yung buong office niya. Talagang matanda na yung bahay, pero since concrete siya eh hindi naman talaga masasabing dilapidated na.

Before, dun kami gumawa ng finals namin sa school, since tinutulungan na rin kami ng mga staffs niya. First time namin abutin ng gabi dun. At first, nagtataka ako kasi parang merong mga silohuette akong napapansin sa may CR. (Yung mezzanine kasi eh merong hidden cr, sobrang creepy nung place kaya iniiwasan ko talaga pumunta dun). Hindi ko naman pinansin kasi baka lang dahil sa puyat kaya kung ano-ano ang nakikita ko. Pero dahil continuous pa rin yung mga apparitions sakin, nakwento ko dun sa isang staff kung meron bang multo dun sa lugar na yun. Sabi niya, oo. kilala na talaga yung multo dun.

Kinuwento niya sakin na madami na daw nagpakamatay sa house na yun. Tsismis na meron daw nakitang human remains dun sa may bodega sa basement dati. Mula nun, medyo hindi na ako gaano naging comfortable sa bahay na yun, pero simula pa lang pala yun ng mga bagay na maeexperience ko sa place na yun.

Summer after kong ma-discover na merong mga multo sa bahay na yun, nag-request yung dad ko na mag-take over muna ako ng company niya since pupunta silang Europe nung mga time na yun. Eh dahil first time ko bigyan ng sobrang laking responsibility kaya talagang tumira ako dun sa bahay para makita yung 24 hour operations ng buong office. (Malaki kasi yung room kung saan nagsta-stay yung dad ko kaya dun na rin ako natutulog.) One time, nagtataka ako kung bakit kahol ng kahol yung mga aso ng dad ko sa may recieving area. Gulat ako kasi ****[n]gina, kumakahol sila dun sa wall na parang me nakikita. Ako naman eh bugaw lang ng bugaw sa kanila pero sige pa rin ang kahol nila. Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob nung mga time na yun pero swear, talagang galit na galit sila sa dingding na yun nung gabing yun.

Minsan naman, nakikipagkwentuhan ako sa guard ng biglang nangamoy kandila sa buong lobby. Talagang amoy na amoy kaya tinanong ko yung guard kung meron ba siyang naamoy. Siguro para hindi ako matakot, sabi niya baka yung mga nagbabarbeque sa labas. Tracing the scent, nangagaling yung smell ng kandila dun sa basement kung saan nakita daw yung human remains nung nag-gegeneral cleaning sila.

Ilang beses pa ako nakakita ng mga split second apparitions the whole time na nag-office kami dun. One time pababa ako ng mezzanine ng parang me nakasalubong ako paakyat. Nakita ko lang yung paa niya pero that's it. Me nakita talaga ako. Minsan naman, galing ako sa field inspection tapos pabalik na ako sa room ng dad ko ng parang me naaninag akong silohuette na naglalakad sa mezzanine.

The whole time hindi ako natakot kasi unexpected naman yung mga pagpaparamdam nila eh. Tipo bang I'm dumbstruck and caught in the middle of something I cannot explain. Ewan ko kung totoo yung sabi nila - almost every incident of paranormal experience happened when I never expected it. Sangkatutak ng entity na ang nakita ko in a split second pero kahit kailan, di ko inaasahan na mararanasan ko yun.

Hope you enjoyed my sharing. Badtrip, habang sinusulat ko eto eh todo todo ang goosebumps ko.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon