Matandang Kinulam

137 5 0
                                    


Shared by: LevMer_30

Nung nasa grade 3 or 4 yata ako noon. natatandaan ko may nakituloy sa bahay namin na mag-ama. kakilala ni mama yung babae. kasama nila sa pagbibiyahe ng kung anu-anong prutas at gulay sa Baguio. naikwento nya sa mama ko na ang tatay nya ilang buwan ng may sakit. labas-masok daw sa hospital yung matanda pero wala namang findings ang mga doktor kung ano talaga ang sakit nya. nakaratay lang daw sa higaan samantalang dati eh malakas naman daw ang pangangatawan.

Niyaya daw ng mama ko na dalhin dun sa amin para ipatingin sa albularyo. kinagabihan dinala namin dun sa bahay nung albularyo. nung ginamot sya sabi ng albularyo. babae daw ang may kagagawan nun. at malakas daw kapangyarihan nung mangkukulam. sinabihan nila na ibalik sa gabi ng byernes dahil dun daw kalakasan ng pangkukulam nila. kelangan hulihin daw yung ispiritu nung mangkukulam para malaman nila kung bakit nya ginawa un.

Ganun na nga ang nangyari. gabi ng biyernes nandun ulit sila. nung mag-umpisa na ang ritwal na gagawin sa kanya, pinanood ko talaga. ayun hawak-hawak na nung albularyo ang kamay nya at dinasalan na. nung nasa kalagitnaan na ng dasal nila nagulat ako biglang nagpapalag ang matanda samantalang dati lagi lang nakaratay na akala mo'y patay na. sabi nahuli na raw ang ispiritu ng mangkukulam. pati ang mga ibang kamagaanak nung matanda nakihawak na sa paa at katawan nung matandang kinulam pero malakas talaga at nanlalaban. may dinasal ulit ang manggagamot pero di ko na maintindihan sabi latin daw un. nung mapahinuhod nila. nagtanong ang albularyo kung sino sya at ano ang dahilan nya at kinulam nya ang matanda. nung una ayaw magsalita. hanggang sa alam na yata nyang wala na syang kawala kaya nagsalita na din. ang nakakapagtaka lang boses babae talaga sya pero makikita mong angmatanda ang nagsasalita. Taga Baguio at native daw sya. kinulam daw nya ang matanda dahil iniwan daw sya at mahal na mahal daw nya at gusto daw niyang gumanti kaya kinulam daw nya at alam nyo kung ano ang ginamit niya? buhok daw nung matanda na galing sa suklay nya. nilagay daw sa manika tapos lahat daw ng joints nya nilagyan daw nya ng pako. kaya pala hindi makagalaw ang matanda.

Alam nyo kung pano nya ginamot ang kinulam? pinahiran lang nya ng laway nya ang tyan nung matanda. makalipas lang ang ilang minuto. parang nagising ang matanda sa malalim na pagkakatulog at nagtaka sya kung nasaan na daw sya at bakit daw madaming tao don.

Ayun, magaling na sya. minsan akala mo biru-biro lang ang kulam pero kung masasaksihan mo pala maniniwala ka din.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon