Compiled Stories 9

141 3 0
                                    


Sapi
Shared by Jommuel

Here's my ghost experience or paranormal as they call it.

Grade school po ako ng mangyari 'to (grade 6). classmate ko po yung nasapian.

Prior mangyari po iyong sapi, naglinis kami ng silong ng building since group namin ang assigned for that day. may tasked areas kami kung saan kami maglilinis tapos partner ko siya maglinis sa silong area. maaga kami pumasok kasi malawak ung area na-assigned sa amin around 5:30am we started then we finished around 7am. our classes starts at 7:30am so nakapagpahinga pa kami. she suddenly felt nahihilo or masakit ang ulo niya. sabi ko sa kanya, pahinga ka muna since napagod siya kakalinis then sinabi ko sa adviser namin na masama ang pakiramdam niya. after I get back to my chair, bigla siyang nagsuka ng itim na something. so tumayo ako then tumingin siya sa akin ung way ng tingin niya sa akin nakakatakot tapos ung mata niya ibang-iba. bigla akong tumayo tapos nagsalita siya na hindi ko naintindihan. boses matanda, natakot ako pagkatapos nagkagulo sa classroom. pinuntahan ko iyong adviser namin para makita ung nangyayari. then suddenly may nagtapong ng rosary sa kanya pagkatapos parang may umusok. habang nagwawala siya. isa sa mga teacher dun sa building ay may alam about banishing evil spirit in short albularyo. may dalang itak tapos incense. ni-lock ung classroom then less than an hour, nakahiga ung classmate namin nanghihina tapos pinauwi muna para makapagpahinga sa bahay.

then after nung pangyayari na yun, nagkwento iyong isa sa mga school teachers about sa history ng school building. our school building was used to be based ng japanese soldiers. creepy ung silong ng building when you go further parang may hukay pailalim, nung nagwalis ung classmate ko hanggang dun inabot niya which is pinagbabawal ng school.

Night Shift
Shared by dvclownz

Share ko lang.

My brother worked as an IT sa isang office sa Ortigas. Night shift sya just to monitor a server. This was his first Job. So ayun, ok naman sya sa ganung setup. Kaso ang problema lang yung buong floor lahat ng ibang tenant walang night shift. So sila yung bukod tanging may night shift at open ang opisina. Just imagine yung lobby na sobrang dilim just to wait for an elevator.

Sa Ortigas din ako nagwo-work that time pero sa Call Center. One night mga 1am, tumawag yung mom ko. Puntahan ko daw yung kapatid ko kasi sobrang natatakot na. So ayun nagmadali akong umakyat sa opisina nya and I saw him dun sa sala ng office. I asked him what happened kasi worried si mama. Sabi nya may nararamdaman daw sya. Medyo natakot na rin ako pero sabi ko anong paramdam? Sabi nya sa server room daw may naririnig syang nagta-type. Yung server room nila is just a small closed cubicle where merong 3 servers. Nagba-browse daw sya ng may marinig syang mabilis na nagta-type sa loob ng server room. Yung tipong galit na nagta-type. Nung tumigil daw sinilip nya and lalo pa syang natakot ng maalala nyang hindi nga pala nakakabit yung keyboard sa server. The keyboard was on top ng parang shelf.

So kahit takot binalewala na lang nya and went on to browse na lang ulit. What made him more scared was he felt na parang sobrang lamig yung kaliwang arm nya. Sobrang lamig daw na parang may nakahawak. With that doon na nya tinawagan yung ermat ko kasi natatakot na talaga sya.

So sabi ko sa kanya sige kumain ka na muna dito muna ako. So sinamahan ko sya sa elevator and I stayed sa loob. Wala naman akong nakita pero may weird na nangyari. While waiting for my brother yung wind chime sa door sobrang ingay. Sa pagkakaalam ko tutunog lang yun kapag may pumasok na tao. So sumigaw ako ng pabiro kasi akala ko kapatid ko na nananakot. Pero tuloy pa rin sa pagtunog yung chime. So I decided to give him a ring. Sumagot naman, pero I can hear yung mga sasakyan sa background, so hindi pala talaga sya. Sabi ko sa kanya umakyat na sya kasi tumutunog yung chime. Then sabi nya imposible walang pumapasok sa pinto. Sobrang takot ko nun hehe.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon